HINDI NAIWASANG mapahagulgol ng iyak ng controversial sexy star na si Krista Miller sa pamba-bash sa kanya sa social networking sites ng mga taong mapanghusga kaugnay sa ginawa nitong pagbisita sa VIP inmate na si Ricardo Camata, last May 31 sa Metropolitan Hospital, kung saan lumabas sa iba’t ibang news program na nakunan ng video through CCTV ang pagbisita nito kasama ang dalawan lalaki.
Pagtatanggol nga ni Krista sa kanyang sarili sa ipinatawag na presscon ng Grand Larain Productions, “Hindi po ako masamang babae, real estate properties ang ibinebenta ko at hindi ang sariIi ko. Mas lalong hindi rin ako gumagamit ng drugs o kaya’y involved sa anumang illegal na gawain.
“Ngayon pa lang po ako muling bumabangon at samantalang pinagpapatuloy ko pa rin ang pangarap kong maging artista gaya ng pagiging bahagi ko ng Rhodora X. Hindi po stable ang kita ko kung ‘yon lang ang aasahan ko. ‘Yun po ang dahilan kaya naghanap ako ng fallback sa career at iyon nga po ang pagiging real estate agent.
“Since January po ay nag-aahente na ako ng mga properties. Hindi po madaling trabaho ‘yon gaya ng mag-attest ng iba pang real estate agents. Kailangan kaming maghanap ng potential clients at mangulit. Kadalasan po siyempre, napapahiya kami pero part po ng trabaho ‘yun. Mahirap pong trabaho ‘yun, pero ‘yun lang ang alam kong gawin bukod sa pagpe-perform para kumita ng pera nang marangal at walang inaapakan.
“Kung masama po akong babae, hindi po sana ako nalagay sa “red line” for two months dahil hindi ko naabot ang monthly sales quota ko. Hindi ko na lalo ‘yon kailangan dahil maraming kliyente ang nag-o-offer ng indecent proposals pero hindi po ako ganu’ng klaseng babae. Wala po akong mukhang ihaharap sa mga magulang ko kung gagawin ko ‘yun.
“Dahil kailangan ko pong maalis sa “red line” kaya’t sobra talaga ang effort ko na makapagbenta as long na wala akong masamang gagawin. Ito rin po ang reason kung bakit nagpunta ako ng hospital, para makumbinsi si Mr. Camata na bumili ng condo unit.
“Purely business po ang transaction namin ni Mr. Camata. Sabi kasi sa akin ng talent coordinator na nagbigay sa akin ng “sagala project” sa National Bilibid Prison, kung saan nakilala ko si Mr. Camata, high profile daw si Mr. Camata kaya sabi ko baka puwede niya akong tulungan na mabentahan si Mr. Camata at bibigyan ko na lang siya ng referral fee na normal naman pong kalakaran sa trabaho namin. Iyon po ang dahilan kung bakit sinamahan ako ng talent coordinator sa hospital.”
Dagdag pa ni Krista, “Iyong isyu po na bawal pala siyang bisitahin dahil hindi ako family member at wala siyang clearance from DOJ na ma-confine, hindi ko po alam ‘yun. Uulitin ko po, nagpunta lang ako du’n bilang ahente ng condo units na nagbebenta sa isang potential client. Alam po ng opisina ko ang transaction na ‘yon dahil required po kami na mag-report sa office three times a week para malaman kung nakapagbebenta kami o hindi.
“Iyong pangalawang isyu po na hindi ako kinakapkapan, hindi ko rin po alam na ‘yon pala ang tamang proseso. In the first place, dapat ‘yung mga jail guard na nandoon ng nag-initiate noon kung ‘yon pala ang dapat nilang ginawa. Wala po akong dalang drugs noon sa bag ‘ko. Ang dala-dala ko lang po noon ay brochures ng mga project ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ko na gusto kong ipakita kay Mr. Camata.
“Iyong isyu rin po na naiwan kami sa loob ng room ni Mr.Camata for ten (10) minutes, gusto ko lang pong i-clarify na wala kaming ginawang makadudungis sa pagkababae ko. In fact, may pumasok po roong nurse at inayos ang kanyang suwero. Ang pinag-usapan po namin ay ang mga condo unit na in-offer ko sa kanya.
“Wala po akong itinatago kaya’t willing akong makipag-cooperate para ma-clear ang pangalan ko. Uulitin ko po, hindi ako masamang babae. Real estate properties ang ibinebenta ko at hindi ang sariIi ko,” pagtatapos ni Krista .
John’s Point
by John Fontanilla