SIPAT: May DEATH THREAT kay KRISTA RANILLO, kaya HINDI siya BASTA PUWEDENG LAPITAN.
EKLAT: Naks, parang PULITIKO, ah!
SIPAT: Kung may KIDNAPPING THREAT kay KRISTA, baka mas KAPANI-PANIWALA pa.
EKLAT: Sa TSIKA ba namang MILYONES na BALATO ni MANNY PACQUIAO sa kanya…
SIPAT: NAWINDANG si BIANCA KING, dahil sa DEATH THREAT kay KRISTA kaya pala HINDI siya PINAPASOK sa TENT nito.
EKLAT: MUKHA bang KILLER si BIANCA? Over na sa PARANOIA…
SIPAT: GREATEST LOVE daw ni MART ESCUDERO si JENNICA GARCIA.
EKLAT: WALA nang IBANG MAPAG-USAPAN sa KANILA, ‘no?
SIPAT: Wow, KAHIT na 81 na si MANG DOLPHY, HATAW pa rin sa RAKET!
EKLAT: MAHUSAY na KOMBINASYON talaga ‘yung SEKSING MISIS… at VIAGRA.
SIPAT: Ang NAKABIBILIB kay MANG DOLPHY, ang TALAS pa ng MEMORY niya.
EKLAT:ASK n’yo kung ILAN ang naging ASAWA at mga ANAK niya, KABISADO pa niya!
SIPAT: MASAYA raw si MARIAN RIVERA na TAPOS na ang ‘STAIRWAY TO HEAVEN’?
EKLAT: BAKIT naman kaya…?
SIPAT: HINDI NAKALUSOT si JOHN LLOYD CRUZ sa JAPAN IMMIGRATION. Na-‘A-to-A’ (airport to airport) ang AKTOR.
EKLAT: For sure, BAGSAK sa ‘Q & A’ portion si LLOYDIE. ‘Kala niya siguro, e, nasa PRESSCON siya.
SIPAT: So, mag-ON na sina JAKE CUENCA at MELISSA RICKS?
EKLAT: MELISSA, hingi ka ng POINTERS kay ROXANNE GUINOO about SELF-DEFENSE!
SIPAT: Sey raw ni ANNABELLE RAMA, kaya MABABA ang RATING ng FIRST WEEK ng FULL HOUSE, e, dahil SINABOTAHE ang show.
EKLAT: A) Tama ang CONSPIRACY THEORY ni BISAYA; B) PARANOIA lang ‘yan; C) SIKAT pa ba si RICHARD GUTIERREZ?; D) SIKAT pa ba si HEART EVANGELISTA?
SIPAT: Uy, may HELICOPTER nang FOR RENT si WILLIE REVILLAME para sa mga PULITIKO!
EKLAT: SAKYAN kaya ‘yon ng mga KALABAN ni MANNY VILLAR?
SIPAT: Blind Item: ‘WAG nang IKAGULAT kung MAGBALIK-‘PINAS ang DALAWANG SINGER na ito dahil FLOP ang CAREER nila sa ‘TATE. NAIBENTA na rin nila ang ILAN nilang ARI-ARIAN doon.
EKLAT: Clue: HINTAYIN na lang natin ang PAGBABALIK nila.
Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service