MATINDI ANG SUMBONG sa amin ng isa sa mga insiders sa Team Jinkee Pacquiao.
Yap! Hindi pa ‘yata tapos ang isyu between Manny and Krista Ranillo dahil meron na namang bagong kuwentong lumalabas tungkol sa triangle ng mga Pambansang Celebrities.
Bago pa raw umuwi si Pacman sa ‘Pinas, ‘sandamakmak na text messages daw ang pinakawalan ni Pambansang K para tawagan siya or bisitahin man lang.
Pero dahil mala-Clottey daw ang defense ng Team Jinkee insiders, e, walang nagawa si Pacman at si Pambansang K. Deadma ang lahat habang nasa ‘Merika ang family ni Pambansang Kamao.
Nang dumating na sa ‘Pinas ang family, e, du’n na nagkaroon ng da height na istorya, dahil pati raw ang mga magulang ni Pambansang K ay diumano’y nagpakawala rin ng napakaraming text messages kay Pacman asking for his attention. Pero ang text back lang daw ni Pambansang kamao ay ganito: “OK. We will work it out.”
Ano kaya ang iwo-work out na problema? ‘Yon kaya ang problema sa bisnis ni Pambansang K sa Tate na incidentally ay kaparehas daw ng negosyo ng Team Jinkee?
Just wondering lang naman, huh! Wala namang malisya ang pagwo-wonder namin, sa true lang Mr. Pacman, kaya sana naman, ‘wag magagalit, ukie?
HINDI PA RIN natatapos ang singing ambition ni Gabby Concepcion dahil by June this year ay meron na naman siyang concert sa Music Museum kasama si Vice Ganda.
Pero hindi raw ‘yon ang isyu.
Ang tsika sa amin ng mga taga-production, naloka raw sila nang todo nang nalaman nilang mas mataas pa ang talent fee na binayaran ng producer kay Vice kung ikukumpara kay Gabby.
Balik-tanong namin sa aming kausap, paano mangyayari ‘yon, e, si Gabby nga ang bida sa concert, hendehvah? Kung ganu’n, mas matagal si Gabby in terms of exposure kaya dapat, ‘di hamak na mas mataas ang kanyang TF kesa sa guest.
Pero ang sagot ng nambubuking na taga-production, naku, hindi raw true ‘yon dahil triple ang taas ng TF ni Vice kung iku-compare daw kay Gabby.
Bukod du’n, limitado rin daw ang minutong itatagal ni Vice sa stage dahil kapag lumagpas daw ‘yon sa tagal na napag-usapan nila ng producer, e, magdadagdag ng TF ang kawawang namuhunan ng concert.
Hmmm… true kaya ang istoryang ibinuking ng mga taga-production? Or baka naman sulit ang pagka-triple ng TF ni Vice dahil siguradong mamamatay sa katatawa (hindi sa presyo, huh) ang producer nito pati na ang production people?
Pero in pernes sa produ, gusto ka naming palakpakan dahil ibinigay mo na raw ang downpayment at hindi ka raw mahirap kausap.
Sana, dumami pa ang katulad mong produ at sana, hindi lang si Vice ang tumi-triple ang TF, kundi lahat-lahat para maisigaw ang mga katagang, “ang saya-saya, ‘no!”.
TO BE FAIR naman sa magaling na scriptwriter na si Charlotte Diongco, kabilib-bilib ang istorya ng indie film na Fling kung saan kasama ang nagbabalik na si Lara Morena, Jacq Yu at Rafael Rosell.
Ang galing-galing kasi ng twists and plots ng story. Mahirap i-explain pero siguradong susundan ng mga viewers ang bawat eksenang ilalabas hanggang sa matapos ang pelikula.
Ang sabi sa amin, isasali raw sa international film festival ang pelikulang Fling, and why not? Ang balita nga namin, e, all praises ang mga movie critics na nakapanood nito sa kanilang preview sa Fully Booked, The Fort last week.
And in pernes din naman sa mga artista, e, nabigyan sila ng kanya-kanyang moment, kaya walang sapawang nangyari. Kaya hindi true ang tsismis na nagtatampo si Lara kay Jacq dahil mas lumutang daw ito kesa sa kanya.
Teka… ito ba ‘yung pelikulang like na like ni Direk Elwood Perez na naipangako na sa kanya? What happened at isang bagitong direktor ang nagsimula at tumapos ng lahat?
Hindi kaya mag-react si Direk Elwood kapag nalaman niyang tapos na ang pelikulang ito na hindi man lang pinaalam sa kanya? Just asking lang, huh!
For reaction, please e-mail [email protected]
Sour-MINT
by Joey Sarmiento