PROUD NA PROUD si Kristel Moreno nang maimbita siya ni Sen. Kiko Pangilinan sa Rock The Vote event nito na ginanap noong Martes sa Araneta Avenue. Isang free concert din iyon for the register and vote campaign bilang paghahanda sa darating na eleksiyon by 2010.
Naging representative si Kristel ng mga kabataang first-time voters. Kade-debut pa lang ni Kristel noong January 14 at masayang-masaya siya sa pagkakataong makapili ng mga iboboto niya.
Wala kang masasabi kay Sen. Kiko sa dagsa ng mga volunteers na nag-perform. Bukod kay Kristel, dumating din ang Hale, Kamikazee, Chocolait ,MYMP, Parokya ni Edgar, Cooky Chua and Mike Villegas, Paul Zialcita of Pinikpikan, Charcoal of Grey, Juana Change (totoo ba ito?), Luke Mijares at mismong si Sharon Cuneta. Unang arangkada pa lang iyon.
Dumating din sina Robrero, Isabela Gov. Grace Padaca, Akbayan representative Riza Hontiveros, Paulo Benigno, Benigno “Bam” Aquino IV (kamukhang-kamukha siya ni Ninoy Aquino), Atty. Alex Lacson, Bayan Rep. Satur Ocampo, Kabataan Party list, Mong Palatino, Pampanga Gov. Ed Panlilio, Youth Vote Philippines-First Time Voters Project, Aksyon Kabataan, Student Council Alliance of the Philippines, National Union of Students of the Philippines, among others.
Going back to Kristel, pinupog siya ng halik ng mga kabataang tuwang-tuwa sa kanyang participation. ‘Di rin napigil ang piktyuran nila ng mga tagahangang nakakapanood sa kanya sa Kambal sa Uma, Precious Hearts Romances, I Love Betty La Fea at ASAP. Nakisayaw rin sila sa aliw ng masiglang tugtugin kay Kristel, at back-up dancers niyang sina Charles at Collins.
Hindi kataka-taka kung sa mga susunod na activities ng youth movement, makakasama na at mapapanood nilang sumasayaw ang pamangkin ni Alma Moreno.
BULL Chit!
by Chit Ramos