TINUTULIGSA NG KUNG sinu-sino sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa dahil sa paraan daw ng pagpu-promote nila sa Dahil May Isang Ikaw na tipong binobola na lang ang fans. Kasi nga, napapagkita naman si Kristine na ang kasa-kasama ay si Oyo Sotto. In fairness kay Kristine, hindi naman niya ikinakaila ang closeness nila ni Oyo at kahit nga nagbabalik ang loveteam nila ni Echo, hindi nangangahulugang pati sa tunay na buhay ay may nagaganap ngang malalim na relasyon sa kanila.
Klaro naman ito. Walang pagsisinungaling sa parte ng dalawa. Makukulit lang talaga ang fans. Pati ang press, ganitong anggulo ang hinahanap sa kanila. Pero, hindi nangangahulugang pinaglalaruan nina Tintin at Echo ang kanilang fans.
Sabi nga ni Kristine, “Iba na rin kasi ang set-up ngayon. May nagmamahal na sa akin at mahal ko na rin siya. Wala nga lang kaming commitment pa, pero ‘yung understanding na ‘yun, pinahahalagahan ko.Kaya hanggang working relationship na lang kami ni Echo.”
Hindi naman pinanghihimasukan ni Echo ang situwasyong ito para gumulo. Para sa kanya, wala siyang masamang intensyon kay Tintin kaya wala ring dapat ikabahala si Oyo.
DINADAGA NANG HUSTO ang dibdib ni Eugene Domingo sa ngayon, hindi para sa sarili niyang career. Para na lang sa Spring Films na siyang nag-produce ng Kimmy Dora (Kambal sa Kyeme)” sa pangunguna ni Piolo Pascual. Para sa sarili niya kasi, ang feeling niya, successful na siya sa tindi ng suportang natatanggap niya para sa nabanggit na pelikula.
Napapaiyak na lang si Uge dahil sa nakikitang pagsuporta sa kanya, lalo ng mga producer niya. Considering the fact na napakabago ng mga ito sa larangan ng pagpo-produce. Maraming pinagdadaanang hamon ang mga producer ng movie niya at para suungin nila ito para lang maging matagumpay ang magsisilbing launching pic niya, sobrang nakaka-touch naman talaga.
“Napakaraming proseso ang pinagdaraanan, na kung iisipin, puwede na silang mag-give up,” sabi pa ni Uge. Pero, laban pa rin sila. Doon din ako tumatapang kaya sugod na rin ako. Kapag nag-uusap kami ni Piolo, sinasabi niya sa akin kung ano ang sitwasyon. Kapit lang daw kami. Dahil doon, kahit ano’ng mangyari, ayaw ko rin silang iwan.
Wala raw silang intensyon kung hindi yaong makagawa ng isang magandang proyekto, na makakapagpasaya sa lahat.
Aware kasi si Uge na isa lang siya sa napakaraming artistang naghihintay ng malaking break para maipakita ang kanilang husay. Dumating na ang pagkakataong ‘yun para kay Uge.
“At aaminin kong nahirapan ako nang husto rito dahil dual role ito,kambal,” sabi pa ni Uge. “Malayo sila sa isa’t isa.Kailangang makita ang difference ng characters.Masungit, business-minded at fashionable si Kimmy. Si Dora, parang kulang-kulang, simple lang ang kaligayahan – aso at bulaklak. Pero, ang tindi ng guidance sa akin ni Direk Joyce (Bernal). Siya agad ang nakakapansin kung nami-mix up ko na ang portrayals ko. Kakalat ako kung hindi ako nai-guide nang tama ng direktor namin.”
Calm Ever
Archie de Calma