Kristine Hermosa, limot na ni Diether Ocampo

HINDI RIN NAGPAHULI si Deither Ocampo kina Angel Locsin at Sam Milby, may thanksgiving party rin siyang inihanda  para sa movie press.  Pasasalamat ito sa support na  ibinigay ng publiko sa Only You. Bukod sa pagiging  aktor at negosyante, active din siya sa PETA (People for the Ethical Treatment of Animals) at Kid (Kabataang Inyong Dapat Suportahan) Foundation. Ibinahagi din Diet ang buhay na pinagdaan niya bago siya naging artista.

“Noong 6 years old ako, ‘yun ang masarap na buhay ko kasi,  buhay pa ‘yung tatay ko. Noong namatay na siya wala na, hindi ako nakapag-aral nang matino. Kailangan niyang magtrabaho abroad (OFW), hindi kami lumaking buo ang pamilya.  I have so many questions in my head, bakit ganito, ang hirap? Wala akong bahay na matirhan, kung saan-saan ako nakikitira. In fact, ‘yung mga nakakasalubong ko taga-squatter, ‘yun ang kinalakihan ko. Ako, lahat ng klase ng tao kinakausap ko, hindi ko sila sini-sino kasi du’n ako galing,” kuwento ni Diet.

Balitang naging caregiver ni Diet si Kristine Hermosa sa US noong time na nasa hospital siya. Naging caregiver naman niya si Reema Oswani dito sa ‘Pinas. Sino sa kanila ang mas magaling mag-alaga ? “ Noong time na ‘yun lahat naman nag-worry,  pinakamalapit na tao nandu’n  si Kristine. May pinagsamahan naman kami kahit papaano,  siya ‘yung nandoon but hindi naman lahat napagbigyan, limited lang to family members. Nang nandito na ako, si Reema,  iyak nang iyak gabi-gabi kaya  naawa ako sa taong ‘yun. Kulang na lang lumipad siya du’n noong time na mabalitaan niya. Nang makabalik na ako sabi niya,” I have to take care of you”, du’n mo ma-experience na may nagmamahal sa ‘yo, alam mo ‘yung inaalagaan ka,” nakangiting sabi ni Diether.

Selosa ba naman si Reema ? “Wala siyang kahit kaunting selos but  I’m trying to say that she knows how to handle things so well. Magaling makipag-usap, naiintindihan niya kagad and she carries herself so well. Masyado siyang open minded sa lahat ng bagay kaya ang dami niyang mga wisdom na natutunan at a very young age.Ako naman, masyado akong nag-e-enjoy kaya late ko ng na-absorbed ang buhay kasi laging  trabaho-trabaho. So, paano ang outlet mo? paano ma- compensate  mo man lang ‘yung pagod na contribute mo sa araw na ‘yun, di ba ? Enjoy, enjoy naman, life is not all about that. “

Relationship with Tintin, kamusta na? “We’re okey kasi ganito ‘yan, hindi ko na nililingon ‘yung ano, tapos na ‘yun, period! Nag-move-on na kami so, there are lots of people siyempre  na para bang umaasang magkakabalikan pa rin kami or just like before. Pero, hindi na tapos na, sinabi kong nakapag-move-on na ako. I have really moved on and now I can live forward kasi, before lingon pa rin ako nang lingon. Mabigat umandar ‘yung buhay ko kaya ngayon tignan mo, very smoothly na.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleCinemalaya 2009 Complete List of Winners
Next articleWillie Revillame, ‘pinatay’ sa text

No posts to display