As promised, narito ang nasagap kong “inside story” sa likod ng taping ng Dahil May Isang Ikaw.
Karaniwan nang dumadaan sa masusing paghuhusga ang bawat panoorin sa ABS-CBN bago ito ihain sa mga manonood. Kumbaga sa product sampling, ang free tasting ay isasagawa muna sa mga bossing ng mga tao sa produksiyon.
Pinapanood ng channel executives ang pilot episode ng naturang screen reunion nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales. Tulad ng inaasahan, hindi binigo ng production staff ang mga “diyos.” Gandang-ganda sila sa naturang teleserye na magsisimula na sa August 24.
Pero ‘eto ang catch. Nakarating sa kanila na ayaw nang mag-taping ni Kristine. Inangalan ng management ang dahilan. Rason ng aktres, ayaw niyang may dalawang location ang bawat taping. Kung isang lugar ay gawing isa na lang, ayaw niya ng mga “tuhog-tuhog” na eksena niya na nakapagpapatagal pa sa kanyang working hours.
Makailang beses daw na sinuyo ng staff si Tin, mga director na mismo ang kumakausap sa kanya. Kung ganu’n din lang daw pala’t good for a few episodes lang ang sinang-ayunang gawin, di sana’y antimano, hindi na niya tinanggap ang proyekto.
Pero matigas ang paninindigan ng aktres. Maging ang pagte-tape daw niya nang hanggang alas-dos ng medaling araw ay inirereklamo niya. Bakit daw ang co-star niyang si Ms. Lorna Tolentino ay pack-up na nang alas diyes ng gabi?
Despite repeated stroking by the staff, Tin wouldn’t budge. Buo na raw ang kanyang pasya na hindi na niya sisiputin ang taping day. Sa puntong ito’y natural nang ikairita nang bonggang-bongga ng mga ABS-CBN bosses ang “pagluluka-lukahan” ng kanilang contract artist.
‘Eto humigit-kumulang ang mensaheng ipinaabot ng mga “diyos” kay Tin through the production staff: “Pakisabi kay Tin na ‘pag hindi niya sinipot ang taping, idedemanda namin siya,” sabay nagtakda ng eksaktong araw bilang palugit sa aktres.
Kung halimbawa’y Lunes dapat mag-report si Tin sa set sa gitna ng nakaambang legal suit sa kanya, lalo pang naloka nang bonggang-bongga ang mga boss nang humingi pa raw ng extension si Tin hanggang kinabukasan “Para makapaghanap ako ng lawyer ko.”
But the ABS-CBN big cheeses knew better. It had to take the best possible strategy to force the actress to work her butt. Doon na raw natakot ang hitad. At kaswal na lang daw nitong sinabi, “O, sige, magte-taping na ako!”
Limang taon ding pinanghawakan ni Richard Gutierrez ang titulong Primetime King when it was conferred upon him taong 2004 via Mulawin sa GMA-7. At nito ngang farewell episode ng Zorro exactly a week ago, nagtala ito ng 32% rating.
Walang duda, there’s life after Zorro. Back to work na naman si Richard sa panibagong pelikula at isa na naming environmental special para sa GMA News & Public Affairs.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III