Hindi na tinigilan talaga ng mga tabloid reporters ang dyowa kuno ni Oyo Boy Sotto. Dati pa lang ay may problema na raw talaga sa professionalism si Tintin. Todo deny naman ang mga cast at production staff ng DMII – on-time na raw si Kristine pag dumarating sa mga taping at hindi na raw s’ya pasaway. Pero bakit hindi mamatay-matay ang isyung ito?!
May chikang dumating daw ng late na late sa taping ng Dahil May Isang Ikaw si Kristine Hermosa nitong buwan lang. Nagdahilan daw si Tin na nakipag-badmiton s’ya kay Oyo kaya late s’yang nakarating. Hirit naman ng isang entertainment editor – badminton ba talaga o BEDminton?! Nakakaloka! Kristine, paki-klaro!
By Faith Salazar
Parazzi Chikka
Parazzi News Service