Si KRISTINE HERMOSA ang isa sa mga tinuturing na pinakamagandang artista sa Pilipinas. Minahal siya ng mga Kapamilya viewers bilang isa sa kanilang iniidolong teleserye and movie queens noong early 2000’s at kahit na semi-retired na ito sa pag-arte ay nakaabang pa rin ang kanyang loyal fans sa kanyang pagbabalik sa pag-arte.
Sa kanyang latest interview with Boy Abunda ay nag-open up ang misis ni Oyo Boy Sotto tungkol sa motherhood at kung ano ang mga nabago sa kanya lalo na’t limang anak ang inaalagaan nila mag-asawa.
“Ngayon ko na-realize na ganun pala ang sakripisyo ng mga ina. So mas na-appreciate ko ‘yung nanay ko, nanay ni Oyo [Sotto] and lahat ng nanay sa mundo. Grabe pala ‘yung pinagdadaanan nila. Ito pala iyon. This is what it means. Very selfless sila, ‘yung pagmamahal nila. Hindi bale nang mawalan sila ng oras for themselves, [basta they could] serve their children,” sambit ni Kristine.
Ayon sa kanya, mas magiging nanay muna siya sa kanyang limang anak bago maging asawa kay Oyo.
“Kahit pilitin ko na wife ako muna, hindi ko magagawa ‘yun. Sa lima kong anak, proprotesta silang lahat. ‘Mama, kami muna.’ So definitely a mother first.”
Nang tanungin kung nagseselos ba si Oyo, Hindi naman Tito Boy kasi alam naman namin ang pinasok namin na once magkaanak kami, it’s a commitment. We just find time na kunyari maluwag, alis kami.”
Kahit na hindi madali ang family life ay no regrets ang magandang aktres sa pagpili nito sa kanyang pamilya over her then lustrous career.
“To be honest, hindi naman siya madali. Maraming challenges pero kapag alam mo kasi na ‘yun ang gusto mo, kapag mahal mo ang ginagawa mo – I love being a mom and a wife – nagiging madali. Ganun talaga kapag nandoon ang puso mo,” she shares.
Hindi naman kailangan malungkot ng mga loyal supporters ni Kristine dahil open naman ito sa posibilidad na magbalik-showbiz kung malaki na ang kanyang mga anak.
“Ngayong maliliit pa ang mga anak ko, masasabi kong hindi ko siya pwedeng hati-hati. I can do that kung pipiliin ko pero mas pinipili ko to stay with them, alalayan sila hanggang sa lumaki sila. Siguro kapag malalaki na sila, that’s the time na unti-unting babalik ulit. Ako din naman nami-miss ko din naman [umarte],” she assures.