YEAR 2007, nang magdesisyon si Kristine Velasco (GMA Artist Center Talent) na tumigil muna sa pag-aartista para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa College of St. Benilde-De La Salle. Ngayong graduate na siya sa kursong Arts Management, nagbabalik-GMA na ang dalaga. Ang Kasalanan Bang Ibigin Ka ang huling drama-series ni Kristine sa Kapuso Network with Angelika de la Cruz. Hindi na mabilang ang mga commercial na nagawa niya in the past at ang latest nga, ‘yung short film ng Del Monte (Christmas).
“Sa commercial yata ako mabenta, sa pagkain. Hindi ko alam kung bakit? Pero sa pagkain palagi akong nakukuha,” natatawang sabi nito.
Nakagawa na rin si Kristine ng indie film na Botong Francisco (national artist) with Lance Raymundo na dinirek ni Peque Gallaga. Naipalabas na ito last November 2012 sa Ayala, Makati. “For visual art, parang what makes Botong interested to paint particular scenery. Kami ‘yung nasa scenery, tapos kami ‘yung mag-a-act kung ano ang nangyayari with in the scene, tapos kung ano ‘yung character. Kaya nagiging interested si Botong na i-paint ‘yung particular painting,” paliwanag nito.
This time, focus na si Kristine sa mga project na ibibigay sa kanya ng GMA-7. Ready na kaya ang young actress magpaka-daring sa mga susunod niyang project na may kissing scene and bed scene? “Okay lang sa akin, huwag lang ipapakita ‘yung private parts. Masasabi ko lang ‘yun kapag may offer, kasi madaling sabihin. Like the workshop says, if you gonna jump in to the bridge you might as well dive in to it. Kung kaila-ngan talagang gawin for the role, I guess you have to do it,” sabi ng dalaga.
Malaki ang paghanga ni Kristine kay Nora Aunor bilang aktres. Bilib din siya sa acting prowess ni Angelika de la Cruz lalo na sa pagiging kontrbida. As an actress, mas challenging sa kanya ang pagiging kontrabida dahil mas kumportable siya sa ganitong role. “Actually, mas gusto ko, before way back 2007, puro kontrabida roles ako. Nu’ng bumalik ako ng GMA, good girl na lahat. Nagulat ako, kasi parang na-typecast na ako sa pagiging kontrabida. Kasi, mas mahirap mang-api kaysa apihin. Kapag inapi ka, may paghuhugutan ka, kasi may nang-away sa ‘yo. Kapag mabait ka, pinapatay ka agad. Kapag ikaw ‘yung masama, matagal ‘yung exposure mo sa TV. Naging outlet ko siya, parang stress reliever. Puwede kang magalit na sobra, in real life hindi mo naman puwedeng gawin ‘yun. Puwede kang manghagis ng gamit for free. In real life kapag naghagis ka, ikaw rin ang pupulot, outlet siya. May excuse kang to do it,” pahayag nito.
Inamin ni Kristine at the age of eighteen, nagka-boyfriend na siya pero nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon for 4 years. Walang regrets ang dalaga kung ang naging dahilan ay ang pagi-ging Christian niya. “I recently converted kasi to a different religion. Nag-Christian from Catholic. I guess, differences, Catholic siya. I attended the Bible study lang po. No one forced me, I was even the one who ask the pastor na parang, hey, can you bless me now and make me a Christian? Sabi niya, ‘No, it doesn’t happen like that.’ Kasi, sa Catholic, schedule tayo ng binyag, tapos na. Catholic pa rin ang parents ko, ako lang ang Christian,” aniya.
Papaano na-convince ni Kristine ang pa-rents niya na maging Christian siya? “It’s not a matter of convincing. In every religion naman, we have the same God technically, it’s just we have different relationship. It’s the relationship we have with everyone. Kasi kapag Catholic, kapag nagsimba ka, aalis na. Hindi mo kilala ‘yung mga taong nandu’n. Sa Christian kasi, sobrang intimate. May accountability na tinatawag. In Christianity, it’s encourage but it’s not require. It’s up to you kung gusto mo. May pastor kami, kapag siya na ‘yung nagsalita, lahat ng laman sa wallet mo maibibigay mo. Na-experience ko, wala na akong pang-parking ticket…” kuwento ni Kristine V.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield