NAGULAT AT nalungkot daw si Kristoffer Martin sa naging desisyon ng co-star sa Sunday All Stars na si Aljur Abrenica na magsampa ng reklamo over GMA 7, ang TV network kung saan nagsimula at umusbong ang career ni Aljur. Katulad ni Aljur, network at GMA Artist Center talent din si Kristoffer.
Tsika nga ni Kristoffer na kahit nga barely 4 months na siyang walang trabaho sa GMA 7 after magtapos ang kanilang soap ni Kim Rodriguez na Paraiso Ko’y Ikaw, hindi nito naisip na magpa-release o lumipat ng ibang TV network.
Mahalaga raw kasi ang loyalty para sa award-winning young actor. Malaki raw kasi ang tinatanaw nitong utang na loob sa Kapuso Network na siyang nagbigay ng pagkakataong magbida sa mga serye nito si Kristoffer.
Alam naman daw nitong may nakalaang proyekto sa kanya ang GMA 7 at hinihintay na lang daw nito kung anong project, anong role at sino ang makakasama niya sa kanyang next show.
DINUMOG, TINILIAN at pinalakpakan ang ambassadors at endorsers ng MyPhone sa pangunguna nina Janine Guttierez, UPGRADE na kinabibilangan nina Miggy, Ron, Rhem, Armond, Mark, Kcee at Raymond, Kyle at Kym Vergara, Kris Angelica, Franchize, Jed Santos, The Perkins Twins at Tim Pavino. Hosted by Revo ang ginanap na launching ng MyPhone Rio Craze sa Market Market last July 26, 2014.
Happy ang VP for Marketing na si Sir Richie Dequina sa dami ng taong nanood at nakisaya sa launching ng MyPhone Rio Craze. Kaya naman abangan ang mga suusunod pa na paglibot ng MyPhone para sa launching ng kanilang phones sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas.
John’s Point
by John Fontanilla