QUIET LANG at ayaw magkomento ng mahusay na young actor na si Kristoffer Martin sa balitang lilisanin na rin nito ang GMA 7 at mag-oober da bakod sa ibang network lalo na’t limang buwan na ring bakante at walang kasunod na teleserye ang award-winning young actor after magtapos ang pinagbidahan nilang serye ni Kim Rodriguez na ngayon ay may bago nang show na Strawberry Lane katambal si Kiko Estrada.
At kahit nga pilitin ito ng mga kapatid sa panulat nang minsang dumalo ito sa isang okasyon ay tanging ngiti lamang ang isinasagot ni Kristoffer sa mga nagtatanong kung aalis na ba siya sa bakuran ng Siyete at lilipat na sa ibang istasyon.
Sa ngayon daw, tanging Sunday All Stars ang show ni Kristoffer sa GMA 7 at busy rin ito sa kanyang pag-aaral sa San Beda College Manila. Mas gusto raw ng young actor na manahimik na lang at hinahayaan na lang ang kanyang parents at manager na magdesisyon kung anong nararapat sa kanya.
Sheryl Cruz, ‘di priority ang lovelife
ZERO AS in bokya raw ang lovelife ng mahusay na singer/actress/host na si Sheryl Cruz at walang balak na mag-entertain ng mga manliligaw. Sa ngayon nga raw, hindi pa raw handang magbukas ng bagong yugto ng buhay pag-ibig si Sheryl at mas nakatutok sa kanyang career, kung saan bukod sa kanyang busy schedule sa pagpo-promote ng kanyang bagong album, kasama rin ito sa bagong soap ng GMA 7 na Strawberry Lane with Sunshine Dizon na nakasama nito sa Bakekang.
Very honest naman nitong sinasabi na may mga nanliligaw sa kanya pero hindi raw nito masyadong binibigyan ng importansiya dahil mas priority talaga nito ang kanyang trabaho at ang kanyang unica hija na si Ashley na lumalaking maganda at matalino.
Nagpapasalamat nga si Sheryl dahil nabigyan siya muli ng pagkakataong magkaroon ng album (Sa Puso ko’y Ikaw Pa rin), kung saan nakapaloob sa kanyang album ang ilang Japanese songs at Tagalog songs na mga original at revival.
NAGING MASAYA ang pa-birthday na inihandog ni Quezon City Mayor Herbert Bautista para sa lahat ng entertainment writers na nag-birthday mula month of January hanggang September ngayong taon na ginanap sa Vera-Perez Garden,
kung saan dati ay quarterly niya ito ginagawa.
Malapit daw sa puso niya ang entertainment press people dahil nakalakhan na nilang magkakapatid (na sina Hero at Harlene) na maraming miyembro nito ang kaibigan ng kanyang mga magulang.
Kasama ng mga press people na nagsalo-salo sa marangyang handaan ang mabait na Quezon City mayor. Ito raw ang pasasalamat ni Mayor Herbert sa mga tulong at pagmamahal sa kanya at sa kanyang pamilya ng mga movie press.
John’s Point
by John Fontanilla