DALAWA SA bini-build up ng GMA-7 para maging next leading man ang matalik na magkaibigang sina Kristoffer Martin at Derrick Monasterio na parehong magkasama sa primetime soap na Luna Blanca at sa Party Pilipinas.
Kaya naman ‘di maiwasang pagsabungin ang mga ito at pagkumparahin kung sino sa kanila ang mas magaling umarte at mas may karapatang mas tutukan ng network. Pero nang makarating ito sa isa sa lead actor ng Oros at Basement na si Kristoffer, natawa na lang ang binatang taga-Olongapo.
Pakiusap pa nito na ‘wag silang pagsabungin ni Derrick dahil daw matalik silang magkaibigan at ayaw nitong masira ‘yung magandang friendship nila nang dahil sa pagkukum-para sa kanilang dalawa.
Pareho naman daw silang inaalagaan ng GMA-7 kasama ng iba pang co-tweens nila na nabibigyan ng magagandang proyekto, kaya naman daw ayaw nitong kakumpetensiya niya isa man sa kanyang mga naging kasamahan sa Tween Hearts, especially si Derrick na halos kapatid na ang kanilang turingan.
MULING TUMANGGAP ng kanyang ika-apat na award ang young actor/ commercial model na si Teejay Marquez bilang Oustanding Young Filipino Male Performing Artist sa katatapos na 20th Asia Excellence Award 2012 na ginanap last July 31, sa Metro Concert Bar, West Ave., Quezon City.
Katulad ng mga nauna nitong award, ito’y inaalay muli ng young actor sa kanyang lola na siyang nagpalaki at umaruga sa kanya simula nang bata siya, at hanggang sa kanyang paglaki ay ito pa rin ang patuloy na gumagabay sa kanya.
Inaalay rin daw ni Teejay kay Kuya Germs ang kanyang awards na nakamit, dahil ito raw kasi ang unang taong nagbukas sa kanya ng pinto para maging artista via Walang Tulugan With The Master Showman, kung saan ito regular na napapanood bilang co-host ng Master Showman.
Kasabay na tumanggap ng award ni Teejay ng gabing iyon sina Sen. Ernie Maceda, Hon. Nur Misuari, Angeline Quinto, Cong. Manny Pacman Pacquiao, UPGRADE, DJ Joph, Sarah Geronimo, Daiana Menezes, atbp.
SIMULA NOONG Sabado, Agos-to 4,nagkaroon ng bago at mas fresh na entertainment show ang Kapatid Network. Ang La-test Updated na napapanood tuwing 10:30 ng umaga. Sina Cristy Fermin, Mr. Fu, Amy Perez at Lucy Torres-Gomez ang main hosts ng nasabing palabas. Kung saan tinatalakay nila ang lahat ng latest chika sa inyong mga paboritong artista.
Kalahating-oras lang ang Ang Latest Updated pero kung nabitin ka sa tsismis at balita, magkakaroon din ng Ang Latest Up-To-The-Minute. Series ito ng interstitials kung saan ihahain ang pinakamainit na chika sa loob ng isang minuto. Ipalalabas ito araw-araw.
Ang Latest Up Late naman ang pumalit sa dating timeslot ng Juicy na magtatapos na rin sa Sabado. Punung-puno ang thirty minutes ng programang ito ng pinakabagong balitang showbiz mula Lunes hanggang Biyernes. Tumutok na sa TV5 para malaman mo kung ano Ang Latest!
PATULOY ANG pamamayagpag ni Queneerich Rehman sa Miss World Pageant matapos mapabilang sa finalists ng Talent at Top Model competitions. Ginaganap ang naturang pageant sa Ordos, Inner Mongolia, China. Umani ng standing ovation ang kakaiba niyang talento sa beatboxing. Naipamalas din niya ang kanyang ganda sa Top Model competition. Isa pang magandang balita ang pagkakasama ni Quenee sa Top 40 sa Beach Beauty competition.
Sa patuloy na pagpapakitang-gilas ni Quenee, mataas ang expectations ng mga Pinoy na maiuuwi ng isang Pilipina ang korona ng Miss World sa unang pagkakataon. Sa mga susunod na araw, sasabak si Quenee sa dalawa pang contests: ang Sports and Fitness at Beauty with a Purpose. Kailangan din ni Quenee ng tulong para makuha niya ang Multimedia Award ng Miss World. I-like lamang ang opisyal niyang Facebook fanpage. Kapag nakuha ni Quenee ang award na ito, magkakaroon siya ng karagdagang puntos para sa pangkalahatang pageant. Kasalukuyang pumapangatlo siya kina Miss Thailand at Miss Nepal sa online votes. Mapapanood ang laban ni Queneerich Rehman sa Miss World Pageant sa Agosto 18, 5:30PM sa TV5.
John’s Point
by John Fontanilla