MASAYA ANG young actor na si Kristoffer Martin sa double nominations na nakuha sa gaganaping 28th Star Awards For Television na gaganapin sa Nov. 23, 2014 sa Solaire. Ang una ay para sa kategoryang Best Drama Actor para sa mahusay niyang pagganap sa Nasaan Ka Man at ang pangalawa ay ang Best Single Performance by an Actor para naman sa mahusay nitong pagganap bilang bading sa Magpakailanman episode na “Siga Noon, Beki na Ngayon”.
Ito raw ang kauna-unahang pagkakataong nakatanggap ng dobleng nominasyon si Kristoffer kaya naman daw nagpapasalamat siya sa pamunuan at miyembro ng Philippine Movie Press Club sa pagkilala sa kanyang kakayahan bilang actor at sa pagkakasama niya sa mga nominado ng nasabing dalawang kategorya.
Win or Loose ay okey raw kay Kristoffer. Ang maging nominado lang daw ay malaking achievement na para sa kanya, at kung mananalo raw siya ay malaking bonus na lang ito. Kaya naman daw sa kanyang pagbabalik-serye ay medyo pressure daw si Kristoffer na mas paghusayan pa ang kanyang pag-arte sa kanyang newest soap sa GMA 7 na Tunay Na Ina, dahil na rin sa dalawang nominasyon nito sa Star Awards for TV.
John Pol, nominado sa Best New Male TV Personality sa Star Awards for TV
UNTI-UNTI NA ngang nakikilala ang Walang Tulugan mainstay at tinaguriang Soul Prince na si John Pol na hindi lang mahusay umawit, kundi mahusay ring mag-host at umarte. Kaya naman napansin ito ng Philippine Movie Press Club para mapasama sa mga nominado para sa kategoryang Best New Male TV Personality (Walang Tulugan).
Makakalaban nito sa nasabing kategorya ang co-Walang Tulugan mainstay nito na si Prince Villanueva, Juan Karlo Labajo (Picture/Maalaala Mo Kaya/ABS-CBN 2), Andrei Paras (The Half-Sisters/GMA 7), Manolo Pedrosa (Selfie/Maalaala Mo Kaya/ABS-CBN 2), Marco Pingol (My App Boyfie/Wansapanataym/ABS-CBN 2) at Rafa Siguion Reyna (Niño/GMA 7).
Excited na ngang dumalo si John Pol sa gaganaping Awards Night sa Solaire sa Nov. 23, 2014 dahil ito raw ang kauna-unahang nominasyon niyang nakuha simula nang pasukin niya ang mundo ng showbiz. Bukod sa pagiging regular sa Walang Tulugan, busy si John Pol bilang ambassador ng Philippine Red Cross at sa promotion ng kanyang Christmas single na “Tala ng Pasko”.
MTRCB, magkakaroon ng 2nd Family and Children Summit
MAGKAKAROON NG 2nd Family and Children Summit sa darating na Nov. 8, 2014 (Saturday), 8:30am hanggang 3pm na gaganapin sa GT-Toyota Center, UP Diliman near Katipunan and UP Law Center.
Ito’y pangungunahan ng mabait at masipag na MTRCB Chairman Atty. Eugenio ToTo Villareal at ng iba pang bumubuo ng MTRCB. Ayon nga kay Chairman Toto, “There will be talks and panel sharing on how TV and Films can help the Filipino Family on Discerning viewership, as well as simple entertainment for all.” At lahat daw ng pamilya, kaibigan at kakilala ay malugod na iniimbitahang dumalo.
Bukod sa nasabing proyekto ng MTRCB, naging matagumpay naman ang kanilang MTRCB’s Children’s Classics sa pakikipagtulungan ng Quezon City Film Development Commision na ginanap last Nov. 5 and 6 (Wednesday and Thursday), 10:30am to 7pm sa Trinoma Cinema 3, kung saan pinalabas ang mga pelikulang Boses at Bunso noong Miyerkules; at Not One Less, Children of Heaven, The Color of Paradise and Dance Without Music noong Huwebes.
John’s Point
by John Fontanilla