SOBRANG PROUD sa kanyang kauna-unahang indie film para sa Cinemalaya ang isa sa GMA-7’s precious gem na si Kristoffer Martin. Tsika nga ni Kristoffer, masaya siya at very thankful at napasama sa Oros, kung saan kabituin niya sina Kristoffer King at Tanya Gomez.
“First indie film ko at Cinemalaya na agad. So, sobrang natutuwa ako kasi kinuha ako ni Direk Paul Sta. Ana.”
Kuwento pa ni Kristoffer, isang kakaibang experience sa kanyang buhay ang naging shooting nila sa Baseco, Tondo.
“Lahat kami parang naninibago. Ako, lalo na, nanibago, kasi first time ko du’n. Kasi ‘pag sinabi mong Tondo, ‘di ba? Matatapang na tao. Tapos, ito pa. Tuwing nagsi-shoot kami, nababalitaan ko… laging may namamatay. Pero hindi naman sa set namin. May mga nababaril. Ganu’n daw. So, natatakot ako.”
Pero overall daw ay marami siyang natutunan at nalaman sa naging shooting nila sa Baseco.
Dagdag pa ni Kristoffer na siya si Abet sa pelikula, ang nakababatang kapatid ng sakla operator na si Makoy played by Kristoffer King. Na bumibili ng patay na kanilang ninenegosyo, kung saan ayaw nitong makisali sa negosyong pinasok ng kapatid.
“Si Abet, ‘yung role ko rito, may hope, magagawan ng paraan, makaaahon kami. At mas magandang paraan ‘yung sa legal na paraan, na hindi rumerenta ng patay.”
Isa raw ito sa pelikulang na-challenge siya at hindi niya makakalimutan.
“Sobrang na-drain ako kasi tumakbo ako nang nakapaa. Tineyp ‘yun ng 10 a.m. Sobrang init na nu’n, so medyo mataas na ‘yung araw. Tumakbo akong naka-paa sa rough road. Tapos nakatapak ako sa kanal, mga ganu’n, pero okay lang ‘yun. Part siya nu’ng movie para mapaganda!”
Bukod sa Oros at sa Basement ay masaya rin si Kristoffer na maging part ng Yes! Magazine’s 100 Most Beautiful Stars for two consecutive years at makakasama rin ito sa Book 2 ng Luna Blanca, kung saan makakapareha nito si Bea Binene.
SA WAKAS, nagsalita na rin si Cesar Montano kaugnay sa paglipat nito sa TV5, kung saan ayon dito ay maganda ang naging offer ng TV5 at gusto raw niyang mag-host ng isang reality artista search, dahil dumaan din siya sa punto ng kanyang showbiz career na nag-audition siya.
“Napakalakas ng impact nitong Artista Academy at as an actor, naka-relate ako dahil sa audition din ako nagsimula. Nag-audition ako sa Regal for a movie na ‘di natuloy at doon nagsimula ang lahat. To be part of TV5 and this big show is a big privilege for me, I’m honored, ‘di na ako nag-isip, I grabbed the chance.”
Isa pa sa pangarap ni Cesar ang magkaroon ng show na mala-Singing Bee na kanyang ipinresent sa TV5 bosses, hinihintay na lang niya ang sagot ng TV5. Nang i-offer sa kanya ng istasyon ang Artista Academy, dito muna siya magpu-focus dahil naniniwalang marami sa 75 finalists ang may chance maging mahusay na total performer.
BALIK-ESKUWELA MUNA ang young actor na si Hiro Magalona after magtapos nang sabay-sabay ang kanyang mga show na Biritera at Tween Hearts, at naghihintay ng bagong project sa kanyang home studio na GMA-7.
Pero napapanood naman daw ito sa midnight show ng GMA-7 every Saturday na Walang Tulugan with the Master Showman, bilang isa sa teen co-hosts ni Kuya Germs. Nakatakda naman itong gumawa ng pelikula sa Regal Films kung saan isa siya sa pinakabagong Regal Babies.
Gagawin daw nito sa nasabing film outfit ang kanyang 3rd movie sa kanyang pinirmahang 14 movies na magiging entry sa Metro Manila Film Festival, ang Shake, Rattle and Role 14.
John’s Point
by John Fontanilla