KAHIT HINDI nanalo sa katatapos na Philippine Movie Press Club 28th Star Awards for Television para sa dalawang kategoryang nominado siya (Best Drama Actor – Kung Nasaan Ka Man, Best Single Performance By An Actor – Siga Noon, Beki Ngayon, Magpakailanman), very thankful pa rin si Kristoffer Martin sa pamunuan at miyembro ng PMPC dahil napansin ang kanyang trabaho sa dalawang palabas ng GMA 7 na kanyang pinagbidahan.
Tsika nga ni Kristoffer, “Ang maging nominado ka lang, malaking bagay na. Kaya kahit hindi ako nanalo, masaya na ako. Kasi sa daming lumabas na show sa lahat ng TV networks, dalawa sa shows ko ang napansin at naging nominado.
“Magiging inspirasyon ko ito para mas pag-igihan pa ang pag-arte ko sa mga susunod kong proyekto na gagawin ko sa GMA 7.
Balita nga ni Kristoffer na nagsimula na silang mag-taping ng bago niyang trabaho sa GMA 7, ang Tunay na Ina, kung saan balik-tambalan sila ng kanyang ka-loveteam na si Joyce Ching. Bukod kay Joyce ay makakasama ni Kristoffer sa said serye sina Mickey Ferriols, Angelika Dela Cruz, Krystal Reyes, atbp.
Early Christmas gift nga raw kay Kristoffer ang double nominations sa Star Awards at ang pagkakaroon ng panibagong proyekto. Wish nga nito na sana’y mapansin muli ng iba’t ibang award-giving bodies ang kanyang magiging performance sa Tunay Na Ina.
Gawad Kabataan ambassadors Justin at Jonathan, na-starstruck nang makita ang kanilang fave actors sa
Star Awards
MASAYANG-MASAYA RAW ang Gawad Kabataan ambassador na sina Justin Lee at Jonathan Solis dahil nagkaroon sila ng pagkakataong makita nang malapitan kanilang mga favorite actors na sina Coco Martin, Piolo Pascual at ilang stars like Daniel Padilla, James Reid, Vice Ganda, Maja Salvador, Nadine Lustre, atbp.
Isa nga raw sa pangarap ng dalawang SMAC TV Productions talents na sa mga susunod na awards night ay ang show naman nilang Gawad Kabtaan ang ma-nominate at manalo ng award para sa kategoryang Public Service Program.
John’s Point
by John Fontanilla