NALUNGKOT ANG award-winning actor sa pagtatapos ng Kung Nasaaan Ka Man, ang teleseryeng pinagsamahan nila ni Julie Anne San Jose. Gusto raw sana nitong ma-extend ang kanilang soap, kaya lang daw, may kasunod nang show na papalit sa kanilang time slot, kaya naman daw ‘di na ito nagawa pang ma-extend.
Isa raw sa mami-miss ni Kristoffer ang kanyang ka-loveteam na si Julie Anne, dahil maraming magagandang bagay eaw ang natutunan nito sa pagtatambal nila ng Internet Sensation.
Very thankful nga ito dahil tinanggap ng Julielmo ang tambalan nilang dalawa, kaya naman daw nangangarap itong makatrabho muli ang singer/teen actress sa mga susunod pang proyektong ibibigay sa kanya ng GMA-7.
After ng nasabing soap, mayroon namang proyektong nakalaan kay Kristoffer, kaya naman very thankful ito sa GMA sa tuluy-tuloy na proyektong ibinibigay sa kanya. Bukod pa sa pagiging regular nito sa SAS (Sunday All Stars), kung saan naman ipinakikita nito ang kanyang talento sa pag-awit at pagsayaw.
FLATTERED ANG Japanese but Pinoy by heart na si Jacky Woo nang maimbitahan siya ng Iglesia ni Cristo para maging part ng upcoming movie na Sugo na nasa production stage na.
Ikinukunsidera raw ni Jacky ang said film at excited siyang mapasama sa ganito kalaking pelikula, kung saan makakasama niya ang ilan sa naglalakihang artista sa Pilipinas. At habang hinihintay nito ang paggiling ng camera ng Sugo, excited naman ito sa pagpapalabas sa bansa ng kanyang international film na Death March.
Ito’y magaganap sa Nov. 19 sa Cinema One Festivities sa Trinoma, kaya naman present ito sa pagpapalabas ng kanyang movie na hinahangaan sa iba’t ibang festivals sa ibang bansa at ngayon nga ay first time na mapapanood ng ating mga kababayan sa Pilipinas.
MULING NAGKITA after 5 years ang newest young ballader ng Viva Records na si MJ Cayabayab at ang kanyang ina na nagtatrabaho sa Malaysia sa mismong launching ng 1st album ni MJ, ang “MJ Cayabyab , Larawang Kupas”.
Tuluyan na ngang dumaloy sa mga mata ni MJ ang luha at maging ng kanyang ina sa kanilang pagkikita na nagpatuloy habang ikinukuwento nito kung gaano niya kamahal at kung gaano niya pinapahalagahan ang lahat ng bagay na ginawa sa kanya ng ina. Very thankful nga raw ito sa kanyang mother dahil dumalo ito sa kanyang album launch.
Isang malaking katuparan ng kanyang minimithing pangarap ang pagkakaroon ng sariling album, kaya naman daw hindi nito alam kung papaano pasasalamatan ang kanyang album producer at sa Viva Records.
Laman ng kanyang album ang mga awiting sure hits songs mula sa revival song at kanyang carrier single na “Larawang Kupas” na paborito ngayong patugtugin sa iba’t ibang radio stations, “Mahal na Mahal Kita”, “Kahit Ika’y Nagbago”, “Dahil Sa ‘Yo”, at “Muntik na Kitang Minahal” with bonus minus one.
John’s Point
by John Fontanilla