ISA ANG Tween star na si Kristoffer Martin sa bibigyang-parangal ng 2012 Famas Awards na gaganapin sa Manila Hotel sa Sept. 25, para sa German Moreno Youth Achievement Awards na taun-taong ibinibigay ni Kuya Germs sa mga outstanding na kabataang artista.
Bukod kay Kristoffer, bibigyan din ng parangal ang iba pang Kapuso stars na sina Derrick Monasterio at Julie Anne San Jose; sina Enrique Gil, Jessy Mendiola at Daniel Padilla naman sa ABS-CBN; at si Edgar Allan Guzman sa TV5.
Very thankful daw si Kristoffer sa FAMAS, at lalung-lalo na kay Kuya Germs sa pagbibigay sa kanya ng nasabing award. Ito raw ang kauna-una-hang award na nakuha ni Kristoffer simula nang pumasok siya sa showbiz, kaya naman very memorable ang award na ito para sa kanya.
Happy rin si Kristoffer sa magandang itinatakbo ng kanyang career, kung saan after ng kanyang pinag-usapang indie film na Oros, ginagawa naman niya at malapit nang matapos ang Basement ng GMA Films. At sa pagtatapos ng participation nilang mga tweens sa Luna Blanca, mapapanood naman ito sa inaabangang Haram, kasama sina Kylie Padilla, Alessandra De Rossi, Teejay Marquez at Dingdong Dantes.
SUNUD-SUNOD ANG natatanggap na parangal ng News and Information Division ng TV5 network. Isa na rito ang pagkakahirang sa USI (Under Special Investigation) bilang isa sa mga nominado sa Japan Prize, ang International Educational Program Contest ng NHK (Japan Broadcasting Corporation). Nakatakdang ianunsyo sa Oktubre ang mananalo ng “The President of NHK Prize”. Ang ibang nominado sa kategorya ay mula pa sa China, Denmark, Germany, India, Japan, Kenya, Spain at Amerika.
Noong 2010, tinanghal ng KBP Golden Dove Award ang USI bilang Best Documentary Program. Nakuha naman ng naturang programang hinost ni Paolo Bediones ang Best Special Coverage sa 2011 Catholic Mass Media Awards.
Samantala, pinagkalooban ang hepe ng NEWS5 na si Luchi Cruz-Valdes ng World Achiever Award in Documentary sa katatapos lang na ika-walong International Center for Communication Studies (ICCS) Media Convention sa Ateneo de Manila University.
Malaki rin ang naitulong ng NEWS5 sa pagkakatanghal ng TV5 bilang Television Station of the Year sa Rotary Club of Manila RCM Journalism Awards nitong Hunyo. Sa pagsisimula rin ng 2012, inanunsiyo ng prestihiyosong New York Festivals TV and Film Awards ang nominasyon ng dalawang programa ng NEWS5. Pasok sa Community Service Programs category ang Wanted – Child Special; habang kabilang naman sa Politics category finalists ang NEWS5 Debates – Hamon sa Pagbabago (A Challenge For Change).
SA PAGPIRMA ng kontrata sa Talent5 noong Linggo ng limang miyembro ng Game & Go Assorted Dancers na kilala ngayon bilang Gaga Dancers, isa na sila sa magiging pioneer at certified Kapatid talents. Tsika nga ni Direk Mac Alejandre, head ng TV5 Talent Center, nakita ng TV5 na malaki ang potensiyal na sumikat ang dance group na regular na napapanood sa Sunday noontime show ng Kapatid Network.
Ang Game & Go host na si Joey de Leon ang nagbigay ng pangalan sa grupo. Siya rin ang nagrekomenda sa TV5 na alagaan ang Gaga Dancers.
Assorted Dancers ang tawag ni Joey kina Mikhaela, Steph, Sumi, Elena at Natalia dahil iba-iba ang kanilang lahi. Australian sina Mikhaela, Steph at Natalia. Mula naman sa Cuba si Sumi at Russian si Elena.
Walang problema sa pananatili ng lima sa ating bansa dahil inayos ng TV5 ang kanilang mga working permit. Marunong nang magsalita ng Tagalog si Sumi dahil apat na taon na siya sa Pilipinas, at kumakanta ng Pinoy songs si Natalia na walong buwan nang residente ng ating bansa.
Maraming plano ang TV5 para sa Gaga Dancers kaya naka-enroll sila sa acting at dance lessons. Balak ng TV5 management na ilagay ang Gaga
Dancers sa kanilang mga show, dahil napatunayan nila ang mainit na pagtanggap ng Filipino audience sa grupo.
John’s Point
by John Fontanilla