SOLO FLIGHT at walang lovelife ang award-winning actor na si Kristoffer Martin sa pagseselebra ng Kapaskuhan dahil single pa rin siya at hindi pa nakahahanap ng panibagong pag-ibig.
Pero hindi naman daw problema ito kay Tun-Tun (palayaw ni Kristofffer) dahil puwede naman daw niyang i-celebrate ang Kapaskuhan kasama ang kanyang mga mahal sa buhay, kaibigan at kamag-anak.
Choice niya rin naman daw ang maging single muna para na rin makapag-focus sa trabaho at sa pag-aaral. Alam naman niya na darating at darating din at bobongga muli ang kanyang buhay pag-ibig. Pero sa ngayon daw, focus muna siya sa taping ng Tunay na Ina, ang kanyang bagong serye sa GMA 7 at sa Sunday All Stars, and most of all sa kanyang pag-aaral sa San Beda College.
Hiro Peralta Magalona, nag-e-enjoy sa pagboboses sa anime
ALIW NA aliw raw sa pagda-dubbing ng anime ang teen actor na si Hiro Magalona Peralta, kung saan boses niya ang ginagamit sa lead actor sa sikat na anime na Kamen Raider na napapanood sa GMA 7.
Tsika nga ni Hiro na rito niya raw napa-practice nang husto ang kanyang boses, para mas magkaroon ng tamang timpla ng pag-arte na boses lang ang gamit.
Ito nga raw ang pinagkakaabalahan ni Hiro, bukod sa pagiging bagong dagdag nito sa remake serye na Yagit, kung saan bad boy role naman ang kanyang ginagampanan.
Joel Cruz, inspirasyon sa trabaho ang kambal na anak
BACK TO work na muli ang tinaguriang Lord of Scents na si Sir Joel Cruz pagkatapos ng ilang linggong pamamalagi nito sa Russia para na rin sa proseso ng kagustuhan nitong magkaroon ng anak muli at nang masundan ang cute twins na sina Princess at Prince.
Sobrang busy nga raw ni Sir Joel dahil sa mga naiwang trabaho at dahil na rin sa nalapit na ang Kapaskuhan, pero kering-keri raw ito ni Sir Joel dahil alam naman ng lahat kung gaano ito ka-hardworking.
Inspirasyon daw ni Sir Joel sa kanyang trabaho ang kanyang twins na siyang mga magiging big boss ng kanyang mga negosyo at ang mga ito rin daw ang dahilan kung bakit mas nagkaroon ng kulay ang kanyang buhay at sobrang saya ni Sir Joel.
John’s Point
by John Fontanilla