Kristoffer Martin, pangarap si Marian Rivera

Kristoffer-MartinANG MAKAPAREHA raw ang Primetime Queen ng GMA 7 na si Marian Rivera ang dream ni Kristoffer Martin. Tsika nga ni Ton, palayaw ng mahusay na teen actor ng Kapuso Network, dream come true raw para sa kanya kung pagbigyan siya ng GMA na makapareha ang aktres.

Ang husay raw sa pagganap at angking ganda ni Marian ang dahilan kaya gusto nitong makatrabaho ang aktres na una niyang nakasama sa Endless Love: Autumn In My Heart nu’ng nagsisimula pa lang guamawa ng serye sa Kapuso Network si Kristoffer, kung saan lumabas siyang young Dingdong Dantes.

Hopefully nga raw sa mga susunod na naka-line up projects sa kanya sa GMA 7, isa rito ang proyektong pagsasamahan nila ni Marian. Bukod kay Marian gusto rin daw makatrabaho ni Kristoffer sina Carla Abellana, Jennylyn Mercado at Kylie Padilla na co-tween nito.

At habang naghihintay ng kanyang panibagong proyekto sa GMA 7, abala si Kristoffer pag-ikot sa iba’t ibang mall shows ng Star Mall na nagsimula last May 18 sa Star Mall Alabang, na susundan ng May 25 – Star Mall Edsa at June 15 sa Star Mall San Jose, Bulacan kung saan makakasama niya ang Walang Tulugan With The Master Showman mainstay na 4G na kinabibilangan nina Paulo, Kristian, Shaun at Ken.

Teejay Marquez, gagawa ng commercial sa Thailand

 

BUSY AS a bee ngayon ang teen actor na si Teejay Marquez na kadarating lang mula sa pag-aasikaso ng kanyang negosyo sa Boracay na sinabayan na rin nito ng pagbabakasyon sa nasabing bonggang beach resort sa promotion ng pelikulang pinagsamahan nila ni Martin del Rosario, ang Marka.

Bukod sa nasabing pelikula, malapit na ring ipalabas ang dalawa pang pelikulang nagawa nito, ang Tweet ni Florante kay Laura at ang Chasing Boulevard kung saan kabituin naman nito ang kanyang co-tweens na sina Kiko Estrada at Kim Rodriguez.

Bound to Thailand naman si Teejay sa susunod na buwan para naman mag-shoot ng isang commersial sa said country. Bukod sa regular itong napapanood as teen co-host sa Walang Tulugan With The Master Showman every Saturday midnight.

Successful concert for a aause para sa Aetas

 

NAGING ISANG malaking tagumpay ang katatapos na 1st Annual One Magical Prince and Princess: A Concert for a Cause (Kasilyas Project) para sa mga Aeta sa Quezon na hatid ng T3 na ginanap sa AFP Theater last May 17, 2014.

Ilan sa naging performer ng nasabing benefit concert ang tinaguriang Ambassador of Goodwill at recording artist na si John McEarl, kasama ang Wycopa winners na sina Kathloria, Ian Dela Torre, Kenneth Semira, Darlene Vebares, Nicole  Semira, Nino Gragera, Anthony Gragera, and Erwin at Cheska Miranda with Special Guest Freshmen, Lyra nad Lira atbp.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleBagong yugto sa buhay nina Jericho Rosales at Kim Jones
Next articleWynwyn Marquez, sasabak na sa beauty pageant

No posts to display