HINDI DAPAT pansinin ni Kristoffer Martin ang pagmamaasim ng loyal fans kuno ni Elmo Magalona na nanggagalaiti sa pagkakatsugi ng kanilang idolo sa soap na Kahit Nasaan Ka Man, kung saan si Kristoffer ang napili para maging katambal ni Julie Anne San Jose.
Dapat sigurong tanggapin ng mga tagahanga ni Elmo na management decision kung bakit si Kristoffer ang ipinareha kay Julie Anne. Bukod pa sa ‘di hamak naman na mas magaling at mas may lalim umarte ito kaysa kay Elmo.
At kung nagsisintir ang mga tagahanga ni Elmo, aprubado naman sa supporters ni Julianne ang pakikipagpareha ng kanilang idolo kay Kristoffer. Sinabihan pa nga ng mga ito ang binata na alagaan si Julie Anne para sa kanila.
Kaya naman ang dating kaba ng actor na baka hindi siya magustuhan ng mga tagahanga ni Julianne ay napalitan ng kasiyahan dahil pati siya ay suportado na ng loyal supporters ng mahusay na teen singer.
Bukod kay Kristoffer, kasama rin sa said soap sina Rita Avila, Eula Valdes, Yayo Aguila at Tessie Tomas. Mula sa Direksiyon ni Gil Tejada Jr., habang headwriter naman dito si Suzette Doctolero, kung saan mapapanood ang pilot nito sa September 23, after 24 Oras.
MARIING PINABULAANAN ni Hiro Peralta na playboy siya dahil na rin sa pagiging vocal nito sa pagsasabing gusto niyang makapareha ang ilang Tween stars ng GMA-7 mula kay Yassi Pressman, Rhen Escano at gustong makapareha muli sina Joyce Ching at Kim Rodriguez.
Tsika nga ni Hiro hindi naman siguro matatawag na playboy ang isang lalaki na katulad niya na gusto lang makasama sa trabaho ang mga kapwa niya Tweens sa GMA-7. Pare-pareho naman daw silang galing sa Tween Hearts at nagkasama na rin sa iba pang mga shows.
Pero sa mga nabanggit, si Kim Rodriguez ang pinakagusto nitong makasama sa susunod niyang proyekto. Na-miss niya raw kasi ang dating ka-loveteam kaya naman daw ngayong pareho nang namaalam ang kani-kanilang show, baka raw puwedeng magsama silang muli sa mga susunod na soap ng GMA-7.
KUNG ANG mahusay na teen actress na si Joyce Ching ang masusunod, mas gusto nitong magtuluy-tuloy ang pagiging bida sa mga susunod na project sa GMA-7. Natikman na kasi niyang magbida sa AnnaKareNina.
Tsika nga nito, “Masarap ang pakiramdam na bida ka sa soap dahil maraming pumupuri sa character mo dahil sa mahusay mong pagganap. Pero bilang isang artista, challenge sa akin na kahit anong inaatang ng GMA sa akin na proyekto, mapabida o kontrabida. Kaya naman ‘di big deal sa akin kung magkokontrabida ako ulit.
“Tulad ngayon, kontrabida ulit ang role ko sa Dormitoryo. Mas maganda kasing matawag kang versatile actor, ‘yung nagagawa mong lahat, paiba-iba at laging magbabago,” pagtatapos ni Joyce Ching.
NAIS NAMING batiin ng Belated Happy Birthday ang espesyal na tao sa aming buhay na si Mr. Roselio “Troy” Balbacal na nagdiwang ng kanyang kaarawan kamakailan. Binabati rin namin ang mga kaibigan at kamag-anak nito sa Tuy, Batangas na sina Joeffrey Balbacal, Darwin Balbacal, Dante Balbacal, Russel Panaligan, Jeffril Martinez, Jorell, at Kimuel Adrias.
Pati na rin sina Ericson and Ricky Boy Panaligan, Rio Adrias, Rufino “Rufe” Gonzales, Francisco “Ito” Sanchez, Emy Balbacal, Cora Andaya, Regie at Amilito, SK Chairman Arlene Dulce at Alvin Dulce.
John’s Point
by John Fontanilla