SA DARATING NA Kapaskuhan,wish daw ng star ng Tweenhearts na si Kristoffer Martin na magkaroon ng primetime soap sa 2011 at makagawa ng pelikula . Ang pag-arte raw kasi sa pelikula ang hindi pa nito nagagawa, samantalang miss na miss na daw nito ang paggawa ng primetime soap.
“May isang wish pa pala ako this Christmas, na sana magkaroon ako ulit ng primetime soap, katulad ng Endless Love.
“Medyo na-miss ko na rin kasi ‘yung napapanood ka gabi-gabi sa primetime. Hopefully, sana bigyan ako ulit ng GMA-7 ng primetime soap.
“At isa pa pala… pelikula! Kasi ‘yun na lang po ‘yung hindi ko nagagawa—ang umarte sa pelikula. Hopefully next year, magka-movie na ako.”
Anong klaseng movie ba ang gusto niyang gawin?
“Kahit ano po, hindi naman ako mapili ng gagawing trabaho. Basta sa akin, ang mahalaga, magkaroon ako ng pelikula. Drama, action, o comedy man siya, basta kasama ako.”
DAHIL SA TULUY-TULOY na pag-arangkada ng TV5 sa weekend primetime race ngayong 2010, susuklian ng Happy Network ang pagtangkilik ng mga manonood sa paghahatid ng mga espesyal na episode ng top-rating weekend shows nito bago matapos ang taon.
Ipagdiriwang ng Talentadong Pinoy ang matagumpay na taon sa isang Christmas special sa Disyembre 19 (Linggo), 7:30 p.m. Kaabang-abang ang pagsasama ng mga celebrity at Talentado ‘Hall of Famers’ para magpakitang-gilas sa mga manonood. Doble-doble ang saya at sorpresang hatid nina Zion Show & Jon Avila, Leah Patricio & Pretty Trizsa, Beatbox Gor & Empoy Marquez, Makata Tawanan & Regine Tolentino, Wanlu & Brod Pete, at Joseph the Artist & Rufami sa kani-kanilang performance.
May production number din sa Christmas special ang New Born Divas at si Joshua the Yoyo Tricker kasama ang Cr8 dancers.
Sasalubungin din ng Anak TV’s Top TV Program Household Favorite ang 2011 sa Enero 1 (Sabado) kasama ang newest Kapatid star na si Jasmine Curtis na nagha-handa na para sa kauna-unahang dance debut niya sa TV.
Samantala, ihahatid ng values-oriented show na Pidol’s Wonderland ang special two-part episode sa magkasunod na Linggo (Disyembre 19 at 26), 5:30pm. Hango sa classic na kuwento sa Bibliya tungkol sa awayan ng magka-patid, gaganap si Jewel Mische bilang si Josie sa “Si Josie at ang Mahiwagang Balabal.”
Dahil buhos ang atensiyon at pagmamahal na binibigay sa kanya ng kanilang mga magulang (gagampanan nina Mr. Buboy Garovillo at Ms. Gloria Diaz), gagawin lahat ng mga kapatid ni Josie (Tom Rodriguez, Sunshine Garcia at Jade Lopez) ang lahat para itakwil siya ng buong pamilya.
Mas paniningningin pa ang palabas ng special appearance ng mga beteranong artista tulad nina Mr. Ronaldo Valdez, Ms. Boots Anson-Roa, Ms. Delia Razon at Ms. Susan Roces, kasama pa ang ilang sorpresang guest. Abangan ang mga kapana-panabik na episode para sa holidays dito lang sa TV5. Happy Christmas, Kapatid!
PANIGURADONG MASAYA ANG pagpasok ng 2011 sa 2010 Olive C Mr. Campus Model at Skin Central endorser na si Hiro Magalona, ang pamangkin ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona, dahil ito ang pinakabagong Regal Baby ng Regal Films na pag-aari ni Mother Lily Monteverde.
Pumirma ng 4-year contract last Nov. 23, 2010 ang young actor sa Regal Films, kung saan gagawa ito ng 16 movies sa isa sa pinakasikat at higanteng movie outfit sa bansa.
Kasamang pumirma ni Hiro sa Regal Films sina Mr. German Moreno, yours truly, Ms. Jesusa Garcia (aunt of Hiro), Jean Senen Magalona Peralta (mother of Hiro) at ang producer ng Regal Films na si Mother Lily Monteverde at ang anak nito at namamahala sa Regal Films na si Ms. Roselle Monteverde .
By January raw, gagawin ni Hiro ang kanyang 1st movie sa bakuran ng Regal Films, kung saan makakasama nito ang ilan pang maningning na artist ng Regal Films.
Kaya naman daw very thankful ang young actor sa tiwalang ibinigay sa kanya ni Mother Lily at Ms. Roselle para maging pamilya at kabilang sa Regal Babies ng Regal Films.
John’s Point
by John Fontanilla