MIX EMOTIONS daw ang naging pagtanggap ng kanyang first award ng tween star na si Kristoffer Martin sa FAMAS 2012 na ginanap sa Ballroom ng Manila Hotel, noong Sept. 25, bilang isa sa awardee ng German Moreno Youth Achievement Awards, kasama sina Derrick Monasterio, Julie Anne San Jose, Jessy Mendiola, Enrique Gil, Edgar Allan Guzman at Daniel Padilla na ‘di nakarating dahil may sakit at nasa hospital.
Ayon nga kay Kristoffer, masaya siya dahil first award niya ito sa kanyang showbiz career, at malungkot naman dahil after niyang tanggapin at ialay sa kanyang lola ang kanyang award, isang tawag ang kanilang natanggap na nagsabing iniwan na sila ng kanyang Lola Cecilia Shirley Dangculos na may matinding karamdaman.
“Masaya na medyo kabado po ako, kasi ito bale ang kauna-unahang award na natanggap ko simula nang nagsimula ako sa showbiz, kaya naman very memorable ito at hindi ko talaga makakalimutan.”
Naputol ang aming pag-uusap dahil sila na ang susunod na bibigyan ng parangal ng FAMAS, kaya naman nagpaalam sandali si Kristoffer at nangakong babalikan kami after tumanggap ng award. Pero after ni-lang tanggapin ang kanilang tropeo, malungkot at nagmamadaling nagpapaalam si Kristoffer, dahil patay na raw ang kanyang lola.
Tsika nga nito, “Sobrang lungkot ng pakiramdam, kasi mahal na mahal ko ‘yung lola ko. Hindi man lamang niya ako nahintay para ipakita ko sa kanya ‘yung thropy na natanggap ko mula sa FAMAS.”
Sabay sabing, “Sige po, una na kami, babalik pa kasi kami ng Olongapo. Pasensiya na po, sana naiintindihan n’yo ako,” sabay alis na kitang-kita namin ang sobrang lungkot sa kanyang mukha dahil sa pagpanaw ng kanyang mahal na lola.
SIMULA NA ngayong Sabado ang ma-titinding episodes ng Artista Academy sa pagpapakilala nito ng Honors’ List o ang Final 6 na maglalaban-laban sa grand finals para sa pinakaaasam na P20 Million combined total prizes at ang pagkakataong maging susunod na lead stars ng TV5.
2 slots na lang sa Final 6 ang natitira dahil naigawad na ang naunang four slots sa top 4 students na consistent sa kanilang high grades at mataas na text votes every week: sina Akihiro Blanco, Vin Abrenica, Chanel Morales at Sophie Albert.
Magtutunggali at magpapagalingan ang mga nasa Danger 4 (Benjo Leoncio, Mark Neumann, Malak So Shdifat, Shaira Mae) laban sa Tropang Kick-Out (Chris Leonardo, Jon Orlando, Brent Manzano, Marvelous Alejo, Nicole Estrada, Stephanie Rowe) dahil pantay na ang chance nilang masungkit ang natitirang dalawang slots sa Final 6. Make-or-break ang laban nila ngayong Sabado sa Live Exam dahil ito na ang huling pagkakataon nilang ipagpatuloy ang kanilang pangarap at manatili sa competition hanggang sa grand finals.
Sino nga ba sa Danger 4 at Tropang Kick-Out ang papasa sa Live Exam ngayong Sabado? Sino sa kanila ang dalawang kukumpleto sa hanay nina Akihiro, Vin, Chanel at Sophie para mabuo ang Final 6? Malalaman ang kasagutan ngayong Sabado, September 29 sa TV5.
SUNUD-SUNOD ANG pagtanggap ng parangal ng mga programa at artista ng TV5. Limang natatanging pagkilala ang nakuha ng Kapatid Network sa katatapos lang na 34th Catholic Mass Media Awards (CMMA), habang dalawang Kapatid stars naman ang kinilala sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards.
Sa 34th CMMA, hinirang na Best Public Service Program ang Extreme Makeover Home Edition Philippines. “Naibuhos namin ang lahat sa programa. Ang award na ‘to ay icing on the cake. Natapos namin ‘yung season on a very high note at ito ay isang napakalaking bagay para sa aming lahat,” ani Paolo matapos tanggapin ang parangal.
Pinarangalan din ng CMMA ang Talentadong Pinoy bilang Best Entertainment Program. Tatlo pang programa ng TV5 —Pinoy Explorer (Best Adult Educational/ Cultural Program), Ang Katapusan (Best TV Special) at USI: Under Special Investigation “Sendong” episode (Best Special Event Coverage) — ang tumanggap ng Special Citations mula sa award-giving body. Nakatakda ring kasama sa shortlilst para sa 2012 Japan Prize ngayong Oktubre ang USI na hino-host ni Paolo Bediones.
Samantala, kabilang ang Enchanted Garden star na si Edgar Allan Guzman sa mga nakatanggap ng German Moreno Youth Achievement Award sa nakaraang FAMAS Awards night. Best Supporting Actor naman si Baron Geisler para sa pelikulang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story. Naka-
takdang mapanood si Baron sa bagong superhero drama series na Kidlat (na pinagbibidahan ni Derek Ramsay).
John’s Point
by John Fontanilla