MINSAN NA naming ipinagtanggol si Kuh Ledesma in terms of acting sa isang bekiserye ng GMA base sa obserbasyon ng marami na kumpara sa husay ng isang Chanda Romero, the diva is way behind.
To begin with, the comparison is utterly unfair between the mothers who have gay sons in the story. Dekada sitenta when Chanda was launched in Seven Stars’ Productions sa pelikulang Sa Kagubatan ng Lungsod, while Kuh began her career as a singer during the 80s.
As yawning as their respective generations ay ang nagdudumilat na katotohanang malaki ang agwat ng mga larangan nina Chanda at Kuh, and it’s pretty obvious.
Ang advantage nga lang ni Kuh over Chanda, in her own right ay kaya rin palang maging aktres ni Kuh while Chanda—we suppose—cannot be a diva herself.
‘Yun nga lang, ang disadvantage ni Kuh is that mukhang hindi lang sa larangan ng pag-arte niya gustong sumawsaw, that is, kung siya mismo ang tinutukoy sa isang blind item.
Kung nasusubaybayan n’yo ang bekiseryeng kinabibilangan ni Kuh, like her ex-general-husband (played by Roi Vinzon), ang karakter niya bilang Elaine na ina ng baklang si Vincent should be just as furious over her daughter-in-law’s step para bigyang-hustisya ang labis na pagpapahirap ng kanyang asawang si Armando sa kanilang anak.
Ayon umano sa may-akda ng bekiserye, may eksenang kinakailangan daw sampalin ni Kuh ang kanyang manugang played by Carla Abellana.
Pero nagmatigas daw si Kuh. Aniya, hindi raw gawain ng isang mula sa isang buena familia ang manampal kung galit. It’s either the rich walk away or throw whatever object in sight.
Hindi namin alam ang reference ni Kuh, sa totoong buhay ba’y sa mga taong mula sa alta sociedad lang siya nakikisalumuha to justify her downright refusal na sundin kung ano ang nasa script?
Kelan pa naging sukatan ang yaman or lack of it to vent one’s anger? Kapag nanampal ba ang isang tao, ibig bang sabihi’y salat siya sa buhay? What if that slap on one’s face is accompanied by a line, “How dare you speak to me that way?”, “purita” (as in poor) pa rin ba ang dating kesehodang sa wikang Ingles idinaan ang galit?
Isn’t Kuh Ledesma’s stand anti-poor, or socially divisive?
At hindi ba’t ang pagmamaganda to the point of pagdudunung-dunungan ni Kuh ay maliwanag na kawalan ng respeto sa mismong scriptwriter ng bekiseryeng ‘yon? So, in this case na nagpapakita lang ng kapritso ni Kuh na taliwas sa kanyang personal na paniniwala that has no general basis at all, must her stand prevail?
Naalala tuloy namin ang naging panauhin ni Boy Abunda sa kanyang The Bottomline a few Saturdays ago. Guest ni Kuya Boy si Direk Ryan Carlos na nagsasagawa ng ilang acting workshop sa mga artista ng ABS-CBN with the practical applicaton ng kanyang mga natutunan abroad.
Sa panayam kay Direk Ryan—admittedly sad as it may seem—marami raw sa ating mga artista ang nambabalewala sa script. Hungkag daw ang appreciation nila para rito, hence, the effect is a bara-bara acting.
Dagdag ni Direk Ryan, mataas ang kanyang respeto sa mga manunulat on whose creative task rests ang kaluluwa ng mismong materyal para magkaroon ito ng anyo’t hugis pagdating sa interpretasyon ng direktor.
Relating it to Kuh’s quirky attitude, kunsabagay, she’s more loyal to the lyrics of her song than to the demands of her role.
No wonder, Kuh earns the IRKS for her QUIRKS.
UNSOLICITED ADVICE sa produksiyon ng The Buzz, why does it not get the hosting services of Joey Mead? After all, mahusay naman ang model ding si Joey.
Startalk has Joey de Leon; ang katapat nitong programa has Joey Marquez; at ang malapit nang umereng Showbiz Police sa TV5 has Joey Reyes.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III