HINDI PALA nasusuklian ng boto noong nakaraang eleksyon last Monday ang hilaan at hiyawan ng mga fans na akala marahil ng mga political handlers nina Rommel Padilla at Richard Yap ay makakahatak sila ng boto o iboboto sila.
Sa Kaso ni Rommel na tumatakbo bilang congressman sa 1st District ng Nueva Ecija, bitbit ang anak na si Daniel Padilla, ang lakas makahatak ng tao ang kanilang motorcade na nagko-cause ng traffic sa pangkaraniwang mamamayan ng Nueva Ecija na dadaan ng mga paagaw-pansin nila na gusto lang makita si Daniel. In short ay walang epek ang presence ni Daniel dahil ang laki ng agwat ng boto ng dating Congresswoman na si Jing Suansing kay Rommel na sa diretsahang salita ay kumain ng alikabok ang ama ng young actor.
Sabi ng ilang mga taga-Nueva Ecija, walang malinaw at kongkretong plataporma si Rommel sa kanyang kandidatura.
Madami ang nagduda kung keri ba niya gumawa ng batas lalo pa’t ang congressmn, sa pagpo-formulate at paggawa ng batas ang trabaho ng mga ito na basic requirements ay abogado o lawyer ka.
Sa kaso naman ni Papa Chen, bitbit ang mga sikat na sina Jodi Sta. Maria at Sylvia Sanchez sa Cebu sa kanyang kampanya. Hiyawan, tilian at kaguluhan sa pa-event ng aktor na tumatakbo bilang kongresista din na sa pagkakaalam ko, isang magaling na negosyante si “Papa Chen” at nag-graduate ng business course sa De La Salle University at hindi mambabatas.
Kung gusto mo maging Congressman, paniwala ko dapat may alam ka sa batas at kung papaano ito gumawa, ihain at idepensa.
Kung bakit kasi sa Senado, pak na pak na kahit boksingero ka lang ay pwede na maging senador or isang oldie action star na puro paghain lang ng panukala na hindi naisasabatas ay oks na.
Sus, kawawang mga kababayan ko.
Reyted K
By RK Villacorta