HALOS 30 TAON na akong nakikipagbuno at nakikipag-away sa isa sa pinakamalubhang sakit na natuklasan sa mundo: diabetes. Gaya ng alam ng lahat, wala pang natutuklasang medisina para sa sakit. Ang insulin ay ‘di sa-pat para ma-control ito. Kailangan ay samahan ng diet at exercise. Subalit napakahirap gawin na tuluyang mapababa ang blood sugar para makaiwas sa sakit ng lahat ng organs na patungo sa malubhang kumplikasyon.
Minana ko ang diabetes sa lolo at lola. Sa-lamat at ako lang sa aming apat na magkakapatid ang nakamana nito. Nu’ng bata-bata pa ako, hindi pa masyadong lumalabas ang kumplikasyon. Ngunit ngayon sa edad na 68, simula na ang araw-araw na kalbaryo. Nanlalabo ang mata. Sumasakit ang tiyan. Nahihilo. At laging laman ng banyo.
Ang diabetes ay may kasamang emotional na kalungkutan. Ayon sa mga doktor, ang dahilan ay ang ‘di pantay na pagdaloy ng dugo sa buong katawan na nakakaapekto sa lahat ng organs kasama na ang emotion. Nagdadala rin ito tuwina ng ‘di maipaliwanag na pag-aalala at takot. Laging ang pagdating ng kamatayan ang naisa-isip. Laging isang misteryosong kalungkutan ang bumabalot.
Ayon sa ilang salbahe kong kaibigan, kung may galit ka sa isang tao, ipanalangin mo na siya’y maging diabetic. At makagaganti ka na. Ganito kalagim-lagim ang sakit. Ang tanging kalasag ko lang ay pananalig sa Diyos at suporta ng pamilya at mga iilang kaibigan.
Ngunit hindi ako nag-iisa. Maraming famous world leaders at tanyag na tao ang nagdusa at namatay dahil sa diabetes. Nariyan si Elvis Presley, Nikita Kruschev, Elizabeth Taylor, Spencer Tracy, Ernest Hemingway, Tomas Alva Edison, at iba pa. Kung ano man, ito ay maaaring isang consolation. Misery likes company.
Ano ang araw-araw na kalbaryo ko sa sakit? Mahigit na 24 pills, 2 insulin injections, umaga at gabi at tatlong beses na check-up ng blood glucose. Bukod pa rito, daily strict diet at regular exercise. Wala nang night life or sex life at lalung-lalo na, wala nang toma at yosi.
Tinatayang may mahigit na apat na milyong populasyon ang may diabetes sa ating bayan. Karamihan ay mahihirap. Isang kahig, isang tuka. Papa’no sila makapaggagamot nang epektibo? Napa-kamagastos. Ang pagkain ng ampalaya ay ‘di sapat. ‘Di ba kailangang may konting tulong ang gobyerno sa kanila?
Bakit ko sinusulat ito? Kaming mga diabetics ay tinaguriang walking time bomb. Anytime, puwedeng sumabog. Tuluyang pumanaw. Ikinagat ko na sa balisong ang eventuality’ng ito. Naggagamot ngunit ang pinakamahalaga ay paghahanda sa espirituwal.
Kaming mga diabetics ay humihingi ng suporta at pang-unawa. Kami’y magagalitin at laging aburido. Hindi namin kagustuhan ito. Always welcome us to your understanding and love.
May our tribe not increase!
Quip of the Week
Tanong: “Bakit lumutang si Lintang Bedol?”
Sagot: “Para magbudol-budol.”
PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez