TUWING LUNAR New Year, masayang ipinagdiriwang ang mahabang tradisyon ng Lantern Festival. Itong 15th day of the first month ay may mga fireworks display upang mai-welcome ang Year of the Wooden Horse.
‘Andoon ako upang obserbahan ang nasabing pagdiriwang. Dito ko nakita kung papaano nagkakaisa ang mga Pilipino at mga Chinoy. Kuha rito, kuha doon, nakita ko rin ang kilalang hari ng mga tikoy, ang Eng Bee Tin. Sayang wala akong nabiling tikoy! Nakaligtaan ko na kasi sa dami ng tao.
Nilakad ko paikut-ikot at pabalik-balik and Binondo. Actually gabi pa ako nang pumunta dahil sa first time ko na makadadalo sa ganoong okasyon. Dahil nabitin ako ay napagpasyahan ko na magpaumaga na lamang upang ating lubos na matunghayan ang pagdiriwang sa umaga.
Nang gabing iyon, isa tayo sa nakapasok sa LIDO DE PARIS HOTEL. Isang sikat na hotel sa Ongpin, kung saan ginanap ang Solidarity Dinner.
Maraming tao ang nag-aabang, marami rin ang mga security forces. Ngunit bago ka makapasok sa nasabing hotel, gano’n na lamang ang higpit lalo, kung wala ka naman protocol.
Sa wakas nakarating din ako sa pinagdarausan na function room. Inabutan ko na roon na nagsisimula sa pagbibigay ng speech ang alkalde ng Maynila na walang iba kundi ang dating Pangulo ng Pilipinas na si Joseph ‘Erap’ Ejercito Estrada.
Sa unahan ng mesa, ‘andoon naman ang mga heneral at ang bise-alkalde na si Isko Moreno.
Naririto ang mga pahayag ng alkalde ng Maynila.
“Manila’s Chinatown is the world’s oldest and may soon be rehabilitated to make it a first-class tourist destination, Manila Mayor Joseph Estrada said Wednesday. His exact words: “We are giving priority to the development of Chinatown to attract tourists.”
He said the biggest Chinese associations were supporting Chinatown’s rehabilitation, while two Chinoy architects (Simeon Tan and his son Simon Jeremiah Tan) would be leading the effort. Old structures of historical value will be preserved and retro-fitted (if necessary).
The Manila city government believes that the physical rehabilitation of Manila’s Chinatown will encourage other Chinese businesses and investments to go back to Manila.
Meanwhile, in recognition of the contributions of the Chinese-Filipinos the city of Manila, Mayor Estrada said, they will spearhead, for the first time in the city’s history, the celebration of Chinese New Year. “The mayor, vice mayor and the city council will be in full force to join the fiesta,” Mayor Estrada said.
Sa Plaza naman ng San Lorenzo Ruiz ay andu’n naman namigay ng mga 6,000 na rice tikoy at dito makikita naman kung papa’no nag-perform 10 dragons at 100 lions na sumayaw sa boong kalsada ng Ongpin hanggang sa Lucky China Town Mall.
Sa gitna ng pagsasaya ay ‘andoon naman ang 1,000 policemen ng Manila Police District upang patuloy na magpatupad ng pangangalaga sa kapayapan at kaayusan ng nasabing selebrasyon sa China Town.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
Para sa ano mga kumento mag-e-mail: [email protected].
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia