TINAASAN LANG nang kilay ni Vice-Ganda ang mga issue na ibinabato sa kanya ni Ate Gay. Hindi raw niya alam kung bakit bigla na lang siyang inaaway ng singer/comedian ng comedy bar. As much as possible, ayaw ni Vice na may kaaway siya sa showbiz.
“’Yung kay Ate Gay, sasagutin ko na lang pagtapos na ang promo ng concert niya. Wala akong naaalala na issue o nagawa ko sa kanyang offense. Kung gusto niya, susuportahan ko ang concert niya pero hindi namin kailangang mag-away. Hindi masarap ang may kaaway, puwede mo namang sabihin, hindi ‘yung dinadaan mo sa twitter kung totoong may issue ka. Willing akong sumuporta sa concert niya kung gusto niya. Masaya akong mapuno niya ang Araneta at makamit niya ‘yung mga pangarap niya. Kung magiging matagumpay naman si Ate Gay, wala naman mawawala sa akin, bakit ko ipagdadamot ‘yun? Wala akong problema kay Ate Gay, wala akong issue at hindi ako galit sa kanya,” banat ng singer/comedian nang makausap namin sa presscon ng This Guy’s In Love With You, Mare with Toni Gonzaga at Luis Manzano na dinirek ni Wenn Deramas.
Sa tono ng pagsasalita ni Vice, tipong gusto lang siyang gamitin ni Ate Gay para pag-usapan ang nalalapit niyang concert this October. Kakilala lang ang turing ni Vice kay Ate Gay, hindi niya ito puwedeng tawaging kaibigan.
“Masyadong malalim ang salitang friend dahil wala naman kaming pinagsamahan. Nagkasama kami sa isang pinagtratrabahuhan kasi nagtrabaho siya sa Punch Line pero umalis siya, natanggal siya. Sa Library nawala rin siya. Hindi kami nagkaroon ng pagkakataong magkatrabaho talaga. Guest ko siya sa ‘Gandang Gabi, Vice’ ‘yung episode ni Ate Vi (Vilma Santos), ‘yun po. Nagtaka ako may mga issue, guest ko nga siya sa show ko. Tapos, nalaman ko na lang may concert pala siya,” say ni Vice na parang bang buwisit sa panggagamit sa kanya ni Ate Gay.
Hindi kaila sa atin na karamihan sa mga gays ngayon ay may mga anak. Ang iba’y nag-a-adopt para pagdating ng panahon may gagabay sa pagtanda nila. Sa kaso ni Vice, willing ba siyang magkaanak o mag-ampon na lang para may makasama siya sa buhay?
“‘Yung balak magkaanak, hindi po. Hindi ko sinasabing sarado na ako, pero sa ngayon hindi ko talaga naiisip at saka ayaw ko pa. Napakalaking responsibilidad na mag-anak at kung aako rin lang ako ng responsibilidad du’n na lang sa mga pamangkin ko ang akuin ko. Hindi naman ‘yung personal na rason na lagi kong naririnig na para may mag-alaga sa akin pagtanda. ‘Yun palagi ang rason ng mga kaibigan kong bakla at tomboy. Napaka-selfish ng rason na ‘yun. Kung gusto mong may mag-alaga sa ‘yo, magtrabaho ka nang mahusay, mag-ipon ka para may pambayad sa isang caregiver or sa isang nurse. O kaya naman, pakitu-
ngunan mo nang maayos ang pamilya mo nang sa ganoon ‘yung mga ka-patid mo at ‘yung mga pamangkin mo, alagaan ka nila. Hindi na kai-
langang mag-ampon pa.
“Ganoon din ang anak, natatakot ako baka ‘yung anak ko makaranas ng isang bagay… kunwari, papasok sa eskuwela tapos lolokohin, ay, tatay mo bakla. Kahit ipaliwanag ko sa anak ko, mayroon at mayroong mararamdamang sakit ‘yung bata. Gusto ko siyang ilabas sa pangit na karanasan na ‘yun kaya ayaw ko nang mag-anak para walang batang masaktan dahil sa paghuhusga ng lipunan na bakla ang tatay niya, ‘yun po ang personal kong dahilan. Maaari rin namang magbago na gusto kong magkaanak, gusto ko si Kaye Abad. Gandang-ganda ako sa kanya. Ang sexy niya, mabango siya, gustung-gusto ko siya. Kung magkaka-girlfriend ako, si Kaye Abad ang liligawan ko,” pahayag niya.
Pinangarap rin pala ni Vice na gumawa ng drama movie pero hindi pa siya ready for a serious role. “Siguro darating din ang panahon na kai-langan kong gumawa ng ganyan para maiba. Sa ngayon hindi ko pa kaya, kai-langan ko pang mag-aral umarte. Kumbaga, hindi ko pa kino-consider ang sarili kong actor at mahusay sa aktingan na ganyan. Marami pa akong kailangang matutunan pa. Kapag natutunan ko na, saka ko sasabakan para hindi masayang ang pagkakataon,” paliwanag ni Vice.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield