EXCITING ang nalalapit na finale ng GMA Telebabad series na Meant to Be, kung saan apat na makikisig na boylets ang naghahabol at wish na mapa-ibig ng character na ginagampanan ni Barbie Forteza bilang Billie.
Refreshing ang concept ng show at surprise para mismo sa lahat ng involved sa project ang warm reception ng mga televiewers. Maganda kasi na apat na guys na may different personalities ang sumusuyo sa ating bida, na bet na namin sabunutan sa sobrang haba ng hair, huh!
Maayos din ang ginawa nila na may baggage ang mga boys at medyo fair din naman ang airtime ng kilig moments ng boys with Barbie.
Sa isinagawang poll ay nanguna sa survey si Ethan (played by PBB alumna Ivan Dorschner). Maraming fans ang VanBie na nag-threaten na magwa-warla mode sila kung hindi sina Ethan at Billie ang magkatuluyan sa huli dahil biglang may maliit na note sa promo ng nasabing survey na for promo purposes lang daw ang participation ng fans. Ano ibig sabihin nun? Kung sino ang bet ng network na makatuluyan ni Barbie, ‘yun na ‘yun!
Kahapon ay ibinalita namin na magkakaroon ng pelikula sina Barbie Forteza at Ken Chan under Regal Films. Dahil sa balitang ito, nababahala ang fans ni Ivan na baka magkaroon ng favoritism. Ganern?!
In real life naman ay sinasabing si Jak Roberto (who plays the role of Andoy) raw ang talagang nanliligaw (o dyowa?) ni Barbie.
Sa episode kagabi ay binasted na ni Billie si Jai Patel (played by Addy Raj). Sa totoo lang, swak ang binata sa comedy roles. Sana ay ipasok ito sa isang sitcom or bigyan din ng movie soon. I-penetrate ang Indian market! Mas bet din namin ang tambalan nila ni Klea Pineda dahil mukhang height-wise ay pwede sila. Mahirap talagang hanapan ng kapares ang Starstruck 6 Ultimate Female Survivor.
Kahit sino kina Jak Roberto o Ken Chan ay puwedeng i-push sa isa pang Meant To Be beauty na si Mika dela Cruz.
Kung hindi man magkatuluyan sina Ivan at Barbie, sana ay i-push na lang din ng GMA si Ivan kay Arra San Agustin, who was pulled out from the show para i-rescue ang storyline ng Encantadia, na nagsuffer sa paglisan ni Kylie Padilla sa fantaserye.
Mukhang malabong i-push ng GMA ang Ruru Madrid-Arra San Agustin loveteam dahil mas may chemistry ito kay Kylie Padilla. Siguro ay naghihintay naman ang mga fans na nabuo nila through the telefantasya.
Pwede rin na magkaroon ng feel-good barkada movie ang mga boys and girls na aking nabanggit. One thing is for sure: Nakakuha ng loyal fanbase lahat ng members ng show kaya dapat ay hindi sila pabayaan ng Kapuso network!