NAKAPAG-TAPING NA raw pala ulit ang The Voice of the Philippines matapos makumpleto ng apat na coaches na sina Apl.d.ap, Bamboo, Sarah Geronimo, at Lea Salonga ang tig-12 na hopeful singers para sa kani-kanilang mga team.
Lalo raw magiging exciting ang mga susunod na episode ng show, dahil may co-coach daw pala na mga kilala rin at mahuhusay sa larangan ng musika ang bawat coach na nabanggit, na tutulong para lalong mahasa ang contestants na tuturuan nila sa kani-kaniyang grupo.
Kung hindi kami nagkakamali, mga third week of August, maaaring mag-live telecast na raw ang nasabing show for its final round hanggang sa finals night nito mga third week of September.
Balita namin, diretso na rin ito ng second season in October, dahil sa lakas ng hatak ng show sa buong Pilipinas maging sa ibang bansa kung saan napapanood ito sa TFC.
Personally, sobrang nae-excite ako sa show, kaya talagang inaabangan ko ‘to kada-Sabado at Linggo ng gabi.
At dahil tapos na ang kanilang taping, nakaalis na raw ng bansa ang international artist at isa sa apat na judge na si Apl last Saturday.
Habang nandito pala si Apl sa Manila ay sa bandang south area siya itinira ng production ng show.
Siyempre, in dollars daw ang talent fee nito na umabot ng milyon, ayon sa aming very reliable source.
Habang si Lea naman daw ay nagbaba ng TF, dahil gusto niya raw at naniniwala raw siya talaga sa show.
Originally, ay isa raw pala dapat sa mga judge si Lea sa X Factor na ipinalabas din noon sa ABS-CBN.
Pero since hindi natuloy si Lea sa pagiging judge doon, si Charice ang kinuha nila instead.
ISANG BONGGANG duet pala nina Regine Velasquez at Martin Nievera arranged by Maestro Ryan Cayabyab ang bubungad sa manonood ng PhilPop 2013 finals night bukas, July 20, ng gabi sa Meralco Theater sa Pasig na ipapalabas din sa gabing ‘yon at 9pm on TV5.
Bukod sa mga performance ng 12 interpreters ng top 12 songs na sina Christian Bautista; Jose and Wally; Sam Concepciom, Tippy Dos Santos and Quest; Ney Dimaculangan; Sitti Navarro and Julianne Tarroja; Joey Ayala, Gloc 9 and Denise Barbacena; Kimpoy Feliciano; Karylle; Yale Yuzon; Ace Libre of Never The Strangers; and Ang Banda ni Kleggy and Kean Cipriano, abangan din ang song number nina Ogie Alcasid at Charice with The Ryan Cayabyab Singers, The Company, 5az1, Baihana, The Opera, and Beat Box artist Mike Salomon na inareglo rin ni Maestro.
Si Ogie rin ang host of the finals night with Jasmine Curtis-Smith.
Tumataginting na P1 million ang mapapanalunan ng grand prize winner with a specially commisioned Ramon Orlina trophy.
Ang PhilPop Musicfest Foundation, Inc. is chaired by business tycoon and philanthropist Manuel V. Pangilinan.
Basta ako, ang bet kong kanta na manalo ay ang Sa ‘Yo Na Lang Ako na nilikha ni Lara Maigue at kinanta ni Karylle.
Franz 2 U
by Francis Simeon