INDUSTRY KNOWLEDGE na malaki ang naiambag ni Boy Abunda sa kandidatura ni Noynoy Aquino sa pagkapangulo noong 2010. Kung hindi kami nagkakamali, the King of Talk should be credited for PNoy’s battlecry na “matuwid na daan”.
Nang manalo’t pinroklama nang Presidente si Noynoy, showbiz industry was abuzz with talks na alin sa dalawang puwesto sa gobyerno ang umano’y iniaalok kay Kuya Boy: bilang Kalihim ng Department of Tourism o pinuno ng Cultural Center of the Philippines (CCP).
Bagama’t ‘di matatawaran ang husay at talino ni Kuya Boy ay swak in either post, heading the CCP was—of course—right up his alley.
Hindi pa man, our colleagues believed it was a welcome idea. Karapat-dapat nga namang pamunuan ni Kuya Boy ang CCP, himself a product of the Metropolitan Theatre (sa PR department nito) na lumalabas din sa entablado. His theatrical background was an advantage for the CCP post.
‘Yun nga lang, for some reason, hindi ‘yon natuloy.
This writer would like to play around with “what ifs”. What if kung ang naturang puwesto landed on Kuya Boy’s lap? Would the current brouhaha tungkol sa naudlot na pagkakahirang kay Nora Aunor—Kuya Boy’s idol—bilang National Artist have been prevented from happening?
Sa CCP at NCCA (National Commission for Culture and the Arts) dumadaan ang proseso ng selection. At kung sakaling si Kuya Boy ang pinuno ng CCP bolstered by the list submitted by the NCCA, would PNoy have changed his mind on the Nora issue bilang pagtanaw ng malaking utang na loob sa TV host whose invaluable (and pro bono) support installed him to power?
Posible, ‘di ba?
MAS KAPANA-PANABIK ngayon ang mga eksena sa action-suspense thriller na Jasmine sa pagdating ni Robin Padilla whose character was introduced last night.
Binoe plays Julius Jacinto, isang magaling na pulis na nawalan ng tiwala sa sistema ng kapulisan matapos siyang ma-dismiss dahil sa pag-iimbestiga sa kaso ng isang tiwaling pulitiko.
Dahil sa kanyang pinagdaanan, naging lasenggero si Jacinto pero dahil sa pagkawala ni Inspector Ramon Ramirez (Matthew Padilla), he needs to get his act together to avenge his best friend’s death.
“Interesting ang role ni Robin dahil sa simula ay lasenggo nga siya, wala nang naniniwalang magbabago pa siya. Unti-unti siyang magbabago throughout the series. ‘Yun ang dapat abangan ng mga manonood dahil ibang klaseng Robin Padilla ang mapapanood nila,” ani ng direktor nitong si Mark Meily.
Meanwhile, Kapatid princess Jasmine Curtis Smith cannot contain her excitement na makatrabaho si Robin. Agad-agad nag-post ng mga papuri si Jasmine sa social media, na siya namang nakakuha agad ng positibong reaksiyon mula sa kanyang napakalaking online fan base.
Tutukan si Robin sa Jasmine every Sunday, 5 p.m. (with replays at 10:00 p.m.) on TV5.
Samantala, with Robin on the grounds of TV5, hindi imposibleng magkrus ang landas nila ni Vin Abrenica, kapatid ni Aljur na ex-boyfriend ng kanyang anak na si Kylie. Ang tanong: what would the scenario be like when they cross paths?
Samantala, simula ngayong araw na ito ang pagbubukas ng mga back-to-back shows ng TV5. Sisimulan ito ng dalawang new kids on the morning block na ibibida ang kanilang bagong hosts.
Edu Manzano joins Gellie de Belen and Tintin Bersola-Babao in Face the People at 10:15 a.m. Para sa season-opener nila ngayong Lunes, uupo sa Silya de Konsensiya ang kontrobersyal na si Megan Aguilar na ibubulgar ang mga sama ng loob sa kanyang amang si Ka Freddie at sa asawa nitong si “Bhabe”.
Agad namang matutunghayan ang bagong Let’s Ask Pilipinas Season 3 at 11:15 a.m., tampok ang multi-awarded singer-songwriter at host-actor na si Ogie Alcasid bilang bagong host nito.
Sa gabi naman ay back-to-back na mga bagong Koreanovela naman ang hatid ng TV5, ang Bride of the Century at 9 p.m.at ang romantic comedy na Cool Guys, Hot Ramen at 9:30 p.m.
So there.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III