KUNG NASA bakuran na ng TV5 ang mga naglalakihang bituin na sina Sharon Cuneta, Aga Muhlach at Nora Aunor, pinili naman ng Star for All Seasons na si Gov. V ilma Santos na manatili sa poder ng ABS-CBN.
Tinitingnan kasi ng gobernadora ang magandang ipinakita sa kanya ng naturang istasyon at ang effort nito na i-adjust ang schedule nila sa sked niya bilang ina ng Batangas.
Ibig bang sabihin nito ay ayaw pa ni Ate Vi na maging Kapatid at nag-e-enjoy pa bilang Kapamilya? Ang masasabi lang namin eh, iyan ang tunay na loyalty, hehe! Korak!
Photos by Fernan Sucalit & Parazzi Wires
By MK Caguingin
Parazzi Chikka
Parazzi News Service