FIRST TIME magkatrabaho nina Senator Bong Revilla at Marian Rivera sa Panday 2. At puring-puri ng actor-politician ang dalaga.
“Ang galing. Ang galing!” sabi ni Senator Bong. “Very professional. Wala akong mairereklamo. Magaling siyang artista at ano… okey ‘yong chemistry namin together.”
Kung nagkataon bang single pa siya, posible kayang mag-fall siya for Marian?
“Maganda siya. Mabait. Sabi ko nga sa kanya… buti na lang may Dingdong ka. Kung hindi, baka na-Ding-Bong ka! Hahaha! Joke lang! Hahaha! Baka ako ma-bingbong ni Lani!”
Nausisa din namin ang tungkol sa anak niyang si Jolo Revilla na lagi pa ring inaatake ng severe migrane.
“Magpapa-check up kami. Siguro by January, pupunta kaming dalawa sa States.”
Bakit kailangang sa Amerika pa?
“Siyempre meron na ring findings dito sa severe migraine niya. So ipapa-check din natin sa States for second opinion. Magagaling din ang doktor natin. We’re not saying na hindi. Pero siyempre, okey din naman ‘yong…. may second opinion.”]
Kung check-Up lang, sandaling panahon lang ang kailangan. Pero bakit may balita na Jolo will take a leave of absence hindi lang sa commitments niya sa showbiz kundi maging sa tungkulin niya bilang barangay chairman sa Cavite ?
“Hindi ko lang alam kung ano talaga ‘yong desisyon niya. Ang sinasabi ko lang sa kanya, ang pangaral ko… you have to relax, take your time. Na lahat ng ano sa buhay mo, lahat naman ‘yan darating, eH.”
Ang kanyang amang si dating Senador Ramon Revilla Sr., napapabalitang gumaganda na raw ang kundisyon. Nakakalakad na raw ito?
“Hindi po siya nakakalakad. Sinubukan niyang ano… dinala siya last week sa Pansol (sa Laguna kung saan maraming hot spring resort). Tapos sa pool, nilagyan siya ng floater. So feeling niya… nakakalakad siya sa pool. Nakakatuwa naman. At least, ‘yong fighting spirit niya.”
Ano ang plano ng kanyang pamilya this Christmas?
“Maging masaya kaming lahat. Hindi dapat maging malungkot. Kumbaga, ‘yong bigat na pinagdaanan ng pamilya, eH… tama na ‘yon. Isa-isantabi na muna natin. ‘Yong selebrasyon namin ng Christmas? Sa Cavite. With my dad. Gano’n kami talaga, eH. Tradisyon na namin iyon. Tapos sa New Year, nagsisimba kami. Sa pagtawid ng taon, nando’n kami sa loob ng simbahan. Tradisyon pa rin ng pamilya iyon. Parang panata at pasa-lamat namin sa Panginoon. Ang importante sa atin, maging masaya tayo ngayong Pasko na ito. Kalimutan natin ang malungkot na nangyari. Alam naman natin na dumarating talaga sa buhay natin ‘yan. eh. Kahit kaninong tao, hindi natin gugustuhing mangyari kahit kanino ‘yan.”
Ayaw niyang naiisip pa ang mga malulungkot na bagay. Pero kung happy thoughts naman ang pag-uusapan, ano ang pinakamasayang nangyari sa buhay niya this year?
“’Yong ikinasal ulit kami ni Lani. ‘Yong aming silver wedding anniversary.”
Pareho silang busy ni Lani. Paano na ang romance angle o intimacy nila? Natawa muna si Senator Bong bago nasagot ang tanong.
“Time management! Hahaha! That’s life! Healthy!”
Bong is one of the very few stars na younger-looking kesa sa edad ang hitsura. Hunk na hunk pa rin ang dating ng katawan niya. Meron ba siyang vanity secrets para ma-maintain niya ang pagiging guwapo at mukhang bata?
“Of course, I am vain. Natural lang siguro. Sabi nga… mas vain daw ang mga lalaki kesa sa babae. Sa totoo lang. Siguro, my wife can attest to that!” sabay tawa ulit niya.
“My secret? I work out everyday. I jog. Tapos diet din.”
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan