GANYAN ANG pangalan ng dalawang alaga kong pusa nu’ng ako’y sampung taon. Si Kuting ay may itim at puting batik na lalaking pusa; si Muning ay puting babaeng pusa. Isang mainit na gabi, natagpuan sila ng Mamay Cito sa aming hardin. Maaaring iniwan doon ng kanilang ina habang tangis nang tangis.
Sa unang linggo sa silong muna ng bahay sila pinakain at pinatulog. Nang lumaki na at lumusog, inakyat sila sa aking silid. Nagpakita agad ng gilas sa mabilis sa panghuhuli ng ipis at daga sa aming kusina.
Dekada ‘50 noon. Simple at matahimik na buhay sa bayan kong sinilangan, San Pablo City. Ang Tatay ay empleyado sa Senado. Ang Inay ay public school teacher. Ang Mamay Cito ay retired public school superintendent. Si Nanay Elena ay isang plain housewife.
Ang inay ay ‘di gaanong sang-ayon sa pag-aalaga kina Kuting at Muning dahil pinanggagalingan daw ng hika. Ngunit ‘di naglaon, nagwalang kibo na siya nang makita kaming apat na magkakapatid ay aliw na aliw sa mga alaga.
Iba ang alagang pusa noon. Malinis at natuturuan kung saan iihi at dudumi. Natatandaan ko na tila ‘di husto ang aming kainan kung ‘di nakasalo ang dalawang alaga. ‘Pag dating naming magkakapatid mula sa paaralan, si Kuting at Muning ang una naming hinahanap. At tuwina, dumarating kami sa kanilang mainit na salubong.
Si Kuting at Muning ay bahagi ng ‘di namin mali-limutang alaala ng kabataan. Sa aking pagtanda, ewan kung bakit sumasagi pa ang mga alaala. Kagaya ng pagmano sa orasyon. Pagsisimba muna ng bagong damit at sapatos bago gamitin. Pasasalamat na may kasamang “opo”.
Umikot na nang umikot ang gulong ng buhay at panahon. Parang kahapon lamang. Masaya at malungkot na lingunin. Ngunit ‘di kasama sa pag-ikot ang munting alaala ni Kuting at Muning.
SAMUT-SAMOT
CONSTIPATION. ITO ang karaniwang sakit ng mga elderly, lalo na ‘yong mga diabetics. Paminsan-minsan, biktima ako nito lalo na kung nakakain ng matitigas at maanghang. Sabi ni dok, prutas, gulay at maraming basong tubig ang ilan sa mga gamot ng sakit. Pagkain ng oatmeal at inom ng gatas ay makatutulong din. Napaka-discomforting ang sakit. ‘Yon bang ire ka nang ire pero walang lumalabas. At pabalik-balik ka sa banyo. Once a day ang ideal bowel movement habit. But this is a general rule. Sabi ni doc, if you feel the urge, don’t delay. Kundi magtatampo.
DATI-RATI ‘PAG dating ng alas-singko para akong sinisilihan sa pag-iisip ng kung anong gimik o anong pag-a-unwind pagkatapos ng trabaho. Tawag na sa mga karantso at presto, kita-kita kits na. Madalas, magdamag na inuman at iba pa. Uwi ng madaling-araw. Gising ng medyo tanghali at batsi uli sa opis. Sa loob ‘ata ng 2 dekada, ganito ang uri at takbo ng buhay ko.
SAMPAL SA pamahalaan ang pagka-inutil ng awtoridad sa pagdakip sa high-profiled accused kagaya nina Gen. Jovito Palparan, Gov. Joel Reyes, Rep. Ruben Ecleo at Delfin Lee. ‘Di na nakatutuwa na laganap ang kriminalidad sa buong bansa. Parang taong tuod ang Pangulo sa harap ng sitwasyon. Nakatali ang kamay. ‘Di makagalaw. O ayaw gumalaw.
KAUGNAY NITO, napabalita na isang turista araw-araw ang ninanakawan at minomolestiya sa Ermita, Maynila, isa sa pangunahing tourist belt. Ganyan ba ang “more fun in the Philippines? Kaya kahit anong tourism promotion abroad, ‘di aalagwa ang tourist business. Kahina-hinayang ang pagsusumikap ng DoT.
‘DI TAYO nag-iisa. Sa New York, U.S.A., nai-blotter na tuwing 20 minuto, may kriminalidad o violence na nagaganap. Nu’ng July 21, isang deranged young man ang namaril sa loob ng isang theater sa Aurora, Colorado, pumatay ng 12 tao at sumugat nang marami matapos ma-collar ng pulis. Nakaraang taon, dalawang paaralan sa California ang namatayan ng 10 estudyante dahil din sa mentally-ill gun man. ‘Di tayo nag-iisa.
OLYMPIC MEDAL? Nangangarap tayo nang gising. Ni sa mga preliminaries, wala ni isang contender natin ang uubra. Napakatayog ng sports excellence ng Olympics. Tayo’y pang-backyard tournaments lang. ‘Pag minsan, naisip ko waste of money ang paglahok natin sa Olympics.
SI P-NOY ang pangulong walang pagmamalasakit sa kapakanan ng sports. Puro dada. Wala tayong comprehensive at sustained national development program. Patch efforts. Band-aid solutions. Mga sports officials, addicted sa junkets.
IT’S MORE fun in the Philippines because of Sen. Miriam? Nag-apologize ang senadora sa association ng mongoloids dahil sa masasakit na pananalita niya sa may kapansanan. Tinanggap ang kanyang paumanhin. Nu’ng impeachment trial, nagwala rin si Miriam laban kay Atty. Aguirre dahil daw sa pambabastos diumano ng huli. Nu’ng 2001, isang congressman ang tinagurian niyang “fungus faced”.
ENJOING – BUT insulting – mga pananalita niya sa mga perceived na kaaway. Kung wala si Miriam, this country to invent someone like her. She adds fun to our otherwise drab at impoverished lives. Take the cue, DoT!
MABUTI ‘DI pinatulan ng New York Knicks ang basketball player na si Jeremy Lin. Biro mo, magbabayad sila ng $40-M in 3 years sa isang over-rated player. Wari ko, nagoyo ang Houston Rockets sa pagkuha sa kanya. Kahit siya ay Asian player, ‘di ako kailanman bilib sa kanya. Produkto ng media hype. Mas marami pang batang collegiate players na magagaling. Sayang si Yao Ming, nabaldado agad.
FREQUENT URINATION common complaint ng mga diabetic. Sa gabi, nakaaanim na beses ako. Subalit sa araw medyo, bawas lalo na pag busy. Maraming pinagsisimulan. High sugar, prostate gland ailment, excessive water drinking or kidney stones. Nakakainis ang sakit. Biro mo, sa kalagitnaan ng mahabang biyahe, bigla kang susumpungin. Mabuti kung may sariling wheels ka. Just tiis, pabirong payo ni doc.
PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez