Kuwaresma

HELLO, APRIL! Napakabilis ng panahon. Parang kelan lang eh kaka-celebrate palang natin ng New Year in the bitter cold and now, may panaka-naka nang pagsilip si haring araw, paghuni ng mga ibon, at pagsibol ng mga bulaklak. Spring is almost here. Around this time ay ipinagdiriwang din ng maraming Christian denominations ang Lenten Season. Lenten means springtime and the official liturgical colour is violet. Sa paglago ng lahat ng buhay sa paligid natin ngayong tagsibol, ganoon rin ba tayo sa ating relasyon sa Panginoon? For all the practicing Christians out there, old and young, isang magandang pagkakataon upang tumigil, manahimik, at magnilay ngayong Kwaresma upang pagtibayin ang ating pananalig sa Kanya.

Maraming paraan upang gawin ito sa London, mapa-serious man o fun-driven. Widely observed sa London ang Lent bilang isang malaking porsyento ng populasyon ay nabibilang sa ilang Christian denominations gaya ng Anglican, Reformed, Lutheran, Methodist, at Roman Catholic. Ang Ash Wednesday ang unang araw ng Lent at nagtatapos sa Holy Thursday. The season of Lent lasts for 40 weekdays – di po isinasama sa bilang ang araw ng Linggo this is because Sundays are always considered a celebration of the Resurrection of our Lord. Pero ang Easter po kagaya ng Pasko ay mahalagang araw, at dapat icelebrate dahil inaalala natin na muling nabuhay si Hesus. Tinalo nya ang kasalanan at kamatayan.

Mayroon ilang Easter-themed activities para sa mga bata sa ilang family places that stretch out from the 1st week of April to Easter. Of course, isa talagang malaking pagdiriwang ang muling pagkabuhay ni Papa Jesus kaya naman bring your loved ones sa series of activities in and around London for a very meaningful Lenten season.

Good Friday, Royal Albert Hall, Handel’s Messiah by the Royal Choral Society

April 17, 2:30pm

 

Isang malaking tradisyon sa London ang pagtatanghal ng Royal Choral Society ng Messiah, isa sa itinuturing na pinakamagagandang kumposisyon ng German-born composer na si George Frederic Handel. Nanirahan siya sa London simula 1718 at nagsimula ring mag-compose ng English oratorio. Ang Messiah ay hango sa biblical text compiled by Charles Jennens na nagpapakita ng ilang makabuluhang pangyayari sa buhay ni Jesus. Una itong itinanghal ng Royal Choral Society noong 1878 at taun-taon na itong ginagawa mula noon. Makabibili kayo ng tickets online sa http://www.royalalberthall.com mula 24.94 GBP.

1 Whatsappenings

https://www.royalalberthall.com/tickets/messiah-on-good-friday/default.aspx

The Passion of Jesus, Trafalgar Square

April 18, 12:00pm at 3:15pm

 Isang pagbisita sa kalbaryo at kamatayan ni Jesus ang itatanghal ng Wintershall Players sa Trafalgar Square nitong darating na Good Friday.  Tatagal ito nang 1 ½ hours at bukas sa lahat. May humigit-kumulang 20,000 katao ang dumarating upang saksihan ang kada palabas na nagpapakita ng hirap na dinanas ni Jesus mula sa pagtakwil ni Judas hanggang sa pagpako nito sa Krus.

2 Whatsappenings

http://www.passionofjesus-trafalgar.co.uk/gallery.html

Easter at the London Eye

April 5-21, Edwin the Easter bunny, free mini Hotel Chocolat Eggs for those riding the London Eye, bouncing stilt walkers and circus performers

Nagbabalik si Edwin the Easter bunny para bigyang kulay ang London ngayong taon. Maaaring makilahok ang mga bata sa paghanap ng Easter eggs around the London Eye. Para naman sa adults, pwede niyong subukan ang Hotel Chocolat experience sa halagang 47 GBP o ang Easter-themed afternoon tea.

Easter Egg Hunt at Kew Gardens

April 5-21

 Maraming inihandang activities ang Kew Gardens para sa buong pamilya ngayong Lenten season. Sa April 5-21, maraming activities ang nakahanda gaya ng art workshops with the theme Charlie and the Chocolate Factory. Maaari ding gumawa ang inyong kids ng kanilang Willy Wonka-inspired chocolate sa tulong ng isang chef mula sa Roald Dahl museum café. Bukod dito, may iba’t-ibang storytelling and music groups sa Kew Gardens. Sa April 20, magkakaroon ng easter egg hunt kung saan mangongolekta ang mga bata ng mga nakatagong tokens sa paligid upang makakuha ng chocolate treat.

World Street Festival, Riverside (Queens Walk between London Eye and Hungerford Bridge)

April 18-21

 Ano pa nga ba ang magandang paraan upang ipagdiwang ang muling pagkabuhay ni Jesus bukod sa pagkain? Pagkatapos ng isang linggong pagninilay at pag-aayuno, visit the World Street Festival na magtatampok ng iba’t-ibang dishes from around the world. Isa itong magandang paraan to cap off the Easter season.

3 Whatsappenings

http://www.realfoodfestival.co.uk/festivals/real-street-food-festival-2013


Previous articleTayo ng mag Visita Iglesia!
Next articleAnsabeee 04/03/14

No posts to display