SI ARNOLD AS “Igan” meaning ‘kaibigan ng bayan,’ TV host ng pang-umagang programang Unang Hirit. Ang mga patawa niya ay kuwela at sabihin na nating isang kalog. Bueno, ating napanayam ang batikang host at komentarista.
Ano ang hilig gawin ng isang Arnold Clavio noong bata ka pa? “Hilig kong mag-role play, like si James Bond or mga superheroes (Batman, Superman). Sa laro, nasubukan ko lahat – mula sa sipa, chinese garter, palmo, shato, football, jai-alai sa dingding gamit ang lalagyan ng krudo, basketball, larong 7-Up/Mirinda, patintero, taguan-pung at iba pa. Lagi akong nanonood ng TV ng kapitbahay namin kaya ‘di ko natatapos ang ending (Hatinggabi Na, Takbo… Vilma, Takbo! Supergirl, at iba pa).”
Saan ka lumaki? “Ipinanganak ako at lumaki sa Tondo, Maynila, sa may Pritil Market sa Herbosa St. Ang mga magulang ko ay sina Alfredo Clavio (deceased) at Julieta Aldea. Ang probinsiya ko ay Malolos, Bulacan (father side) at Catanduanes (mother side).”
Saan-saan ka nagtapos ng iyong pag-aaral? “Produkto ako ng public school, Yangco Elementary School at Dr. Juan G. Nolasco nu’ng High School. Sa kolehiyo, nagtapos ako sa University of Santo Tomas (UST), AB Major in Journalism.”
Naisip mo na ba na magiging reporter ka noong bata ka pa? “Akala ko sa print media ako magsisimula kasi nanalo ako sa essay writing contest when I was in grade one. So, I was inspired na magsulat nang magsulat.”
Paano ka naging isang reporter? “In 1987, I heard over the radio na nangangailangan ng newswriter, DJ and announcer ang radio station na DWIZ, then sister company ng DZRH, so I applied. Natanggap ako after a series of test.”
Paano na-develop ‘yung talent mo sa broadcast journalism? “I’m not afraid na ma-over learn. Tuloy lang ang pag-aaral and also observed the good habits of others and avoid the bad.”
Ano ang plano mo in the next five years of your career? “Mas aasikasuhin ko ang iGAN Foundation ko to help more poor children. It’s really a fulfillment sa career ko to share the blessings na natatanggap ko. Like iyong Igan Cup Golf Tournament in Intramuros. Proceeds go to my annual medical mission. Also, I will be more committed sa work ko as a journalist sa GMA Network, Inc. Marami pa kaming plano para sa mga Kapuso. But personally I live by the day. ‘Di ko style ang long term planning ‘coz ‘di ko hawak ang buhay ko. Si Lord na ang bahala kung saan ang direksiyon.”
Anu-ano ang mga artistic side mo? “I’m into composing songs, poem writing, doing sketches. Love playing golf, badminton and basketball. I enjoy singing and poem reading. I miss doing stage play. I’m a former member of Teatro Tomasino, theater guild of UST.”
Ano kakasa ba kayo? Iyan si IGAN ang makabagong TV host na tila sumabay sa panahon ng kasikatan. Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
by Master Orobia