KUWENTO ITO NG isang TV personality noong nasa bakuran pa siya ng isang istasyon. Saksi raw kasi siya sa “baptismo” ng isang kontrobersiyal na aktor who, at 13, got exposed to booze.
Karaniwan naman daw kasing nagkakaroon ng kasiyahan ang mga staff ng network, malimit siyempreng mangyari ‘yon after a hard day’s work at nearby bars kung saan walang umuuwi—as a matter of exaggeration—na hindi gumagapang sa sobrang kalasi-ngan. Mala-initiation rites.
First time daw ng noo’y may-gatas-pa-sa-labing aktor na maglaklak, pero goodbye milk, hello liquor! Tungga keti tungga raw ang aktor, palibhasa curious without realizing kung ano ang magiging epekto ng tila’y wala nang bukas niyang pagpapakalunod sa alak.
Ang ending: Nang balikan daw ng nakasaksing TV personality ang bagets actor, kulang na lang, pati menudensiya nito’y isuka niya!
Many years later, ang noo’y maagang na-expose sa pagtoma ay hindi na sumusuka… kundi isinusuka na dahil may masamang epekto ang alak sa kanya.
Kailangan ko pa bang “isuka” ang kanyang pangalan?
(Ronnie Carrasco)