‘PAG MAY tiyaga, may nilaga. Si Uncle Ton ay nag-migrate sa Houston, U.S. nu’ng 1989. Binata, 27 years old. Tubong Nabua, Camarines Sur. Minabuti muna niyang makituloy sa bahay ng kanyang kapatid nang ilang buwan bago maghanap ng trabaho. Kahit siya’y green card holder, pahirapan ding makatagpo ng pagkakakitaan.
Sa isang newspaper ad, nabalita niya na may openings para sa grocery baggers sa WalMart. Agad-agad siyang nagtungo dala ang bio-data. Napakahaba ng pila ng aplikante, karamihan Mexicano at Puerto Ricans.
Nagtiis siyang pumila sa init ng araw. Ngunit nu’ng bandang hapon, nagkaroon ng flashfloods kasabay ng mahinang lindol. Parang pinalis ng walis ang pila ng aplikante. Siya na lang ang naiwan. Bandang alas-9:00 ng gabi, humupa ang flashfloods. Dahil walang masilungan, siya ay basang-basa. Namangha siya na biglang nabuksan ang main door ng WalMart at lumabas ang dalawang Amerikano na tila opisyales ng shopping mall. Masusi siyang pinagmasdan at agad tinanong kung bakit pa siya naroon. Sagot niya, kailangan niya ng trabaho. Sa pakiwari niya, kumirot sa puso ng dalawang Amerikano ang kanyang pagiging determinado at matiyagain. Wika sa kanya, you’re the man we need.You’re hired.
KUWENTO YATA ito ni Pete, aking barbero ng 20 taon. May pagkasalbahe subalit kakatuwa. Dahil gustong i-pakita ni Erap na lubos na niyang pinatawad si GMA, ang nagpakulong sa kanya nu’ng 2001, inalok daw ng una sa huli ang kanyang resthouse sa Tanay kung mabibigyan ng house arrest si GMA. Ganyan ang pagkatao ni Erap: mapagpatawad. Only the strong can forgive.
Kahit sina Chavit Singson at yumaong Angie Reyes ay matagal na niyang pinatawad. Wika ni Erap, mabuti na ako ang magpatawad kaysa ako ang humingi ng tawad.
Ang alok ay nakarating kay GMA na lubos na nagpasalamat. Ngunit ang babala ni Erap: may matalino at nagsasalita akong ibong mynah sa resthouse ng: magnanakaw, magnanakaw. Ay, foul!
SAMUT-SAMOT
ANG MGA mata ni VP Jojo Binay ay nakatuon na sa 2016. Puspusan na sa party-building, pag-iikot sa kapuluan at high media visibility. Sa 2016, 72 ang edad ni Binay. Malakas at healthy. Palibhasa laki sa sakripisyo at hirap. Kung saka-sakali, sino ang kanyang makakatuwang? Fearless guess ko ay si Sen. Jinggoy Estrada. Bata pa si Jinggoy, puwede pang maghintay. Powerhouse combination ang Binay-Estrada. Wala akong nababanaag na malakas na katunggali nila. But Binay should continue playing his cards well.
PUMAPAPEL NA naman sa media si Press Usec. Abigail Valte. Birong tawag sa kanya ay Lady Gaga. Maraming palpak na pronouncements. Babaw ng pananaw sa mga masalimuot na suliranin. At nakaka-high blood tingnan kung nag-aasta-asta sa presscon. Ewan natin kung bakit pa siya kinukupkop ni P-Noy. Total liability. Zero asset.
IKOT NANG ikot ang oras at araw. Pasukan na naman. Balik-eskuwela, balik-traffic, balik-gastos, balik-baha. ‘Pag minsan, nakababagot ang oras at araw kung sa bahay ka lang. Ginagawa ko, istambay sa umaga sa isang kapihan kasama mga dating kaibigan. Lahat sila, matatanda na rin. At may araw-araw na dinaramdam kung saan-saang parte ng katawan. Dati-rati’y usapan gimik at happenings. Ngayo’y tungkol sa blood pressure, uric acid at triglycerides. Nu’ng bata-bata pa ako, nagtataka ako sa maraming bagay. Kagaya ng laging pag-iipon-ipon tuwing umaga ng mga senior citizen sa mga kapihan. Ang pag-iipong ito ay umaabot hanggang katanghalian. Usap-usap lang sila, biruan at tawanan. Bulong ko sa sarili: mga non-productive citizens. Ngayon ko lang napag-isip-isip na ang ginagawa nila ay paglaban sa pagkabagot ng katandaan.
‘DI NAKAPAGTATAKA kung bakit si Sen. Loren Legarda ay laging top-notcher sa poll surveys. Napaka-conscientious niyang legislator at ‘di mabibilang na bills ang kanyang naipasa-batas para sa kapakanan ng dukha at women’s rights. Matalino ang manghahalal. Alam nila kung sino ang nararapat sa panunungkulan. Sinawimpalad siya nu’ng 2010 sa pagka-bise-presidente. Ngunit bumalik ang kanyang kinang sa pagli-
lingkod. As they say, you cannot put a good man down.
‘DI NA matutuloy ang panukalang paghati sa Camarines Sur. Dahilan: walang pondo ang Comelec para sa plebiscite. Kung ano pa man, ito’y tagumpay ni CamSur Gov. L-Ray Villafurete sa kontra sa panukala. Malaking katalunan kay Rep. Noli Fuentebella na may-akda ng paghati. Sa dalawang termino ni Gov. L-Ray, CamSur was transformed into a top-notch province. Tourism was improved and local economy was accelerated. Kailangan natin ng opisyal na kagaya ni L-Ray. May idealismo at political will. Panahon na para magpahinga ang mga Fuentebella.
UMARANGKADA NA pero kulang pa sa buwelo ang tourism campaign ng DOT. Nadagdagan pa ang problema sa Scarborough issue na naging dahilan para kanselahin ng China ang kanilang tourism patronage sa bansa. Sa kainitan ng balitaktakan sa issue, mahigit 2,000 Chinese tourists ang nag-back-out sa kanilang plane and hotel reservations sa Boracay at Ilocos Sur. Kailangang maresolba agad ang suliranin. Dahil din sa issue, apektado ang banana export natin sa China. Nakaraang taon, ang export natin ng produkto ay kumita ng P6.1-B.
SI REP. JV Ejercito, anak ni dating Pangulong Erap ay laging nasa top 12 ng poll surveys sa 2013 senatorial race. Kung tutuusin, wala namang dramatic performance as a legislator si Ejercito. Wika ng maraming analysts, si Ejercito ay resulta pa rin ng never-ending political magic ni Erap. Nais pa ng mga manghahalal na may mga Ejercito sa pamahalaan.
PAGKARAAN NG halos isang taon mula nang inauguration ng kalahating bahagi ng Paco Market, binuksan na ito. Ang mga stallholders na nakapuwesto at nagsisiksikan sa kalsada sa labas ng palengke ay nakabalik na sa bagong bukas na palengke. Sa dati-rati’y malalaking espasyo, lumiit ang kanilang puwesto na halos walong tao lamang ang magkakasya. Kaya’t ang iba ay 2 o 3 puwesto agad ang kinuha para ‘di mabitin sa espasyo. Sa kanilang paglipat sa bagong palengke, lumutang muli ang naburang kalye at naging maaliwalas na ang kapaligiran; nawala na ang temporary “eyesores” na nagpasikip at nagbura sa kalye.
PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez