ANG YUMAONG Sen. Raul Roco ay isa sa mga bitter critics ni dating Pangulong Erap. ‘Di lilipas ang isang linggo na ‘di nakaliligtas si Erap sa hagupit ng tuligsa tungkol sa kung anu-anong isyu.
Talagang ganyan. Oposisyon siya. Sana’y isyu lang. Pahimakas ni Erap.
Si Roco ay isang matalino at masipag na senador. Kung ‘di siya pumanaw bago mag-eleksyon nu’ng 2007, very competitive ang posisyon niya sa presidential race. ‘Yon lang, maihahalintulad siya sa ‘sang Doberman. ‘Pag kinagat ka, ‘di kailanman bibitaw.
Dumating ang pagkakataon ng sukdulan. Wika nga, naging “pain in the neck” na si Roco sa pamamahala ni Erap. Kada kibot-batikos. Wala nang makitang mabuti. Tila ba nag-o-over fiscalize. Tao rin si Erap kaya medyo nagdamdam siya.
Isang sponsored bill ni Roco ang naipasa ng Kongreso na kinakailangang may signing ceremony sa Palasyo. Dumating si Roco at buong init ko siyang sinalubong at kinausap. Kumustahan. Biruan. Tawanan.
Ngunit nang malapit nang paupuin ang mga guest, bumulong siya sa akin. Saan ako uupo? Sagot ko sa tabi ng Pangulo. Pabiro niyang wika: ‘di mo ba nilagyan ng thumb tacks ang upuan ko?
Isa sa mga assignments ko ‘pag may public speaking si dating Pangulong Erap ay maglista ng important guests at personages na babatiin ng una. Mahalaga ito sa Pangulo.
Kaya ‘sang oras bago ang speaking engagement nasa venue na ako. Isa-isa kong pinagtityagaang ilista ang mga panagalan ng babatiin. ‘Pag minsa’y paulit-ulit at kailangang alisto ako.
Napakalaking bagay sa isang businessman o public official na mabati ng Pangulo bago siya magtalumpati. Kaya ‘pag nililista ko na silang isa-isa, nakikiusap sa akin na tama ang pangalan sa listahan.
Minsan isang top Chinese businessman ang nakiusap sa akin. Puwede bang iuna mo sa listahan. Isunod mo na lang si Mr. X. Tutal mas malaki ang business ko sa kanya at mas malapit ako sa Pangulo.
Naging problema ko ito. Kasi si Mr. X ganyan din ang pakiusap. Ewan ko kung paano ang ginawa ko.
SAMUT-SAMOT
TILA NANGARAP nang gising si dating Gov. Ace Barbers ng Surigao. Ipinahayag niya na ang NP ni Sen. Villar ay magbubuo ng “lean but mean” senatorial ticket next year. At kasama siya sa mabubuong ticket. Ayon sa mga political analysts, spent force na ang NP matapos matalo si Villar noong nakaraang 2010. Wala silang mga pambatong kandidato kagaya ng UNA at Li-beral Party. Sa ngayon, buo na ang line-up ng UNA. Ang
daming gustong sumakay. Nakapagtataka kung bakit kabaligtaran ang nangyayari sa LP. Ayon sa credible surveys ng SWS at Pulse Asia mga frontlines ay: Legarda, Chiz Escudero, Honasan, Pimentel, J.V. Ejercito, Enrile, Gordon, Madrigal.
WALA PANG linaw ang agad-agad na solusyon sa energy problem ng Mindanao. Bukod sa tataas pa ang singil sa kuryente, ‘di pa rin mababawasan ang rotating brownouts. Sa totoo lang, matagal nang binabalewala ng past and present administrasyon ang problema. Minamalas si P-Noy na sa kanya sumabog ito. Dapat tinutukan na niya ito agad sa simula’t simula pa lang. Ngunit minabuti niyang mag-Noynoying. Ang saklap!
THE USUAL problems will beset the opening of classes: room shortage, teacher shortage and even chalk shortage! Tila ‘di makaahon ang DepEd sa malalim na balon ng problema. Kasi walang foresight, walang comprehensive planning or follow through. Education has the biggest slice of national budget. Next are Defense and Health. Pribadong sector ay buong siglang tumutulong. Kaya ano ang problema? ‘Di kaya sa implementasyon ng programa at policies. We have a capable and honest DepEd Secretary. Unlike in previous administrations, no whiff of corruption so far in the department. Let’s re-examine.
EFFICIENT AND creative ang handling ni VP Binay sa kanyang public image. Dahilan para topnotcher siya sa mga surveys. Subalit this is not a political phenomenon. Panahon ni Erap at GMA as VPs mataas din ang survey ratings nila. As PACC Chairman, Erap was the toast of the public because of his accomplishments in crime fighting. Mid-term pa lang ng tenure ni former President FVR, naamoy na siyang susunod na Pangulo. Sinisigaw na ng mga bata pangalan niya. Sitwasyong ito ay sitwasyon ni Binay ngayon. Is it destiny?
KUNG UNA-DOMINATED ang Senado sa 2013, virtually lame duck na si P-Noy. Dahil hanggang ngayon, nothing dramatic is happening in his administration. Wala siyang whiz kids to turn things around. ‘Di naman tayo dapat mag-expect ng spectacular sa Pangulo. Nu’ng 12 years niya sa Kongreso, he was less than an ordinary legislator. Ni isang bill walang napapasa. Cory! Cory! Cory!
SATANAS NA sa lupa! Dapat masahol pa diyan ang itawag sa sindikatong pinagkukuwartahan ang mga nagpapalimos na pulubi. Why can’t we enforce the law against begging? Why can’t the authorities run after the syndicate? Kahabag-habag ang mga pulubi. Ulan at araw, nasa kalye para baryang napaglimusan, ibigay sa sindikato. At tayo’y walang pakialam.
NAKALULUNGKOT NA ang basketball legend, Caloy Loyzaga, 83, ay may malubhang sakit sa Australia. Dahilan ito para ang kanyang anak, Chito, ay mag-resign sa PSC upang mag-alaga sa kanya. Dapat habang buhay pa si King Caloy ay ma-recognize ang kanyang great achievements sa Philippine basketball. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo?
ANG TALIBA ng People’s Journal chain ay nagsara na. ‘Di sinabi ang dahilan. Maaaring ‘di na financially viable kagaya ng ibang tabloids. Sa mga naiwang broadsheets, 3 na lang ang viable – Inquirer, Star at Bulletin. Ang emergence ng internet, Facebook, Twitter at YouTube ay malubhang nakaapekto. Ganito rin sa radyo.
PINAGDARASAL NAMING ang paggaling ng aming dating kasamahan sa Unilab, Louie Jimenez, na halos 10 taong nakaratay. Biktima ng Alzheimer’s disease. Mahigit isang dekada kaming nagkasama sa Unilab. Kasama rin namin dito si Caloy Ardosa, George Mañalac at Rey Calzado, aking matatalik na kaibigan. Napakatatag ng kanyang maybahay, si Pansy, sa pag-harap sa dinadaanang pagsubok ng kanyang kabiyak. Napakabait na tao ni Louie, isang cowboy na boss at napakamatulungin.
PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez