KAHIT NA Banal na Aklat, laganap ang talata ng mga taong nasasapian ng demonyo at iba pang underworld creatures. May isang talata tungkol sa pagpapaalis ng Mahal na Hesus sa mahigit na ‘sang libong demonyo sa katawan ng ‘sang tao. Mga horror stories tungkol sa bampira, aswang, tikbalang, manananggal at mangkukulam ang nagkalat sa kasaysayan ng mundo at sangkatauhan.
May dalawang kuwentong-lagim akong nais ibahagi. Paniwalaa’t dili.
Ang aking yumaong tatay ay mahigit tatlo at kalahating dekadang empleyado ng Senado. Mula dekada 60s hanggang 80s. Araw-araw, sakay ng LTB bus, bi-nabiyahe niya nang balikan ang San Pablo, Laguna at Manila. Ang LTB main terminal ay nasa Bangkal, Pasay City pa noon.
Isang Biyernes ng gabi, punung-puno ng pasahero ang terminal. Sa isang huling biyahe patungong San Pablo, naisingit ang tatay ng kaibigang konduktor sa likod ng matandang tsuper. Subalit ilang minuto bago paandarin ang sasakyan, may mahiwaga at nakakatindig-balahibong napansin ang tatay sa tsuper. Wala itong ulo! Kahit anong kuskos niya sa mata, pareho pa rin ang kanyang nakikita. Walang ulo ang tsuper. Parang may nagbulong sa kanya na bumaba at maghintay ng ibang sasakyan. At ito’y mabilis niyang ginawa.
Kinabukasan ng umaga, umugong sa mga radyo ang balita na nagkabanggaan ang Bicol Express train at isang LTB sa Los Baños junction. Lahat ay patay. Ito ang bus na sana’y nasakyan ng aking tatay.
Ang kuwento ng babaeng nakasuot puti sa Balete Drive, Quezon City ay parating nababanggit ‘pag kuwentuhan ng katatakutan. Maraming naniniwala; meron ding hindi.
Ito’y kuwento ng isang dating matandang senador. Kaya aking pinaniwalaan. ‘Sang Biyernes ng hatinggabi, siya at kanyang tsuper ay humagibis mula sa Fairview Subd., Q.C. patungong Maynila. Medyo umuulan-ulan at malamig ang hangin. Ilang metro bago daanan ang Balete Drive – na balitang may lumalabas na babaeng nakaputi – inatasan ng senador ang drayber na mag-menor. Kitang-kita niya sa may bangketa, ang isang babaeng nakaputi, mahaba ang buhok, ang kumakaway at sumesenyas ng pakisakay. Nakita rin ito ng kanyang drayber.
Subalit sa halip na mag-menor, lalong sumagitsit ng takbo ang sasakyan. Mga ilang segundo pa, pagtingin ng senador sa right side mirror, ano kanyang nakita? Mukha ng babaeng nakaputi, mahaba ang buhok, at sumesenyas ng pakisakay. Maniwala o hindi.
SAMUT-SAMOT
ANG BANGKAY ng kilalang silent movie comedian, Charlie Chaplin, ay ninakaw sa sementeryo ng Switzerland nu’ng 1977 at pinatubos ng malaking ransom ng mga kawatan. Great Italian aktres, Sophia Loren, ay naniniwala na ang kaluluwa ng kanyang yumaong lola ay sumanib sa kanyang katawan. U.S. actor David Jansen had a dream 48 hours before his death (age 49) in which his coffin was being carried out of the house. British actor Oliver Reed left 10,000 pounds out of his estate for his friends so they could have a drinking spree at his funeral.
SINGER MADONNA ay bumili ng ‘sang burial plot beside Marylin Monroe para sila ay magkatabi ‘pag siya’y namatay. Napabalita ang multo ni U.S. aktor Montgomery Cliff ay gumagala sa Roosevelt Hotel habang tumutugtog ng bugle.
IT’S OFTEN said that dying for Elvis Presley was a brilliant career move: he was almost bankrupt when he passed away and his estate is now worth many more millions than it was when he was alive. When John Barrymore was in his deathbed, the priest asked him if he had anything to confess. Barrymore looked over his shoulder at the pretty nurses in attendance and said: “Yes, Father, carnal thoughts about lady behind you.”
SI PETER Lorre, aktor ng classic movie, “From Here to Eternity”, ay namatay kalahating oras bago siya bigyan ng divorce. Marylin Monroe died when she was making the movie, “Something Got to Give (1962)”. The film was never completed.
SINONG AKTOR na namatay pagkatapos tapusin ang huling pelikula: Clark Gable – 12 days pagkatapos ng filming ng “The Misfits” (1961); Spencer Tracy – pagkatapos ng “Guess Who’s Coming to Dinner” (1967); James Dean – two days “Giant” (1955); Peter Finch – after finishing “Network” (1977); James Fonda – pagkatapos ng “Golden Ponds” (1981).
ANTHONY PERKINS died of AIDS during the making of “Psycho V” (1992); Robert Walking died from a medically-induced trauma after filming “My Son John” (1952); Brandon Lee (son of Bruce Lee) was accidentally shot to death while filming “The Crow” (1994); River Phoenix was in mid-shooting of “Dark Blood” when a lethal cocktail of cocaine and heroine caused his death.
PILIT NA pinipiga ni Claudine-Raymart Barretto ang katas ng NAIA incident with Mon Tulfo para makakuha sila ng dagdag na publicity mileage. Nakapagtataka na bakit hanggang ngayon, ‘di pa gumagaling ang ‘di naman kalubhaang pasa sa hita ni Claudine. Nakasaklay pa siya nu’ng mag-file ng kaso sa Pasay RTC. Tuwing kukunan ng TV camera, hahagulgol ng iyak. Ay, naku! Mga arteng pang-FAMAS at Oscar awards. Tama na, Claudine at Raymart. Nakakainis na kayo.
PARA MAKATIPID pinapayuhan namin ang mga magulang at mag-aaral na sa Divisoria mamili ng school supplies. Halos kalahati ang presyo at pareho rin ang uri. ‘Yun lang, dapat ngayon na gawin ‘to. Iwasan ang rush hours. Bukod sa masikip, baka mabiktima pa sila ng snatchers. Paigtingin sana ng kapulisan pagse-secure sa area. Ang trapiko ay dapat ayusin din.
PAKIKIRAMAY ANG pinaaabot ko sa naiwan ng yumao kong kaibigan, Gandhi Grau sa edad 70. Biktima ng diabetes at stroke. Mahigit ding dalawang dekadang nagkasama ni Gandhi sa isang apartment compound sa Makati. Siya ay PAL steward at ako naman ay nagtatrabaho sa Unilab. Matulungin at masayang kaibigan. Maalaga sa pamilya. Panipis na ng panipis ang listahan ko ng nabubuhay pang kaibigan. ‘Pag minsan, kinakabahan na ako. Ano’ng mabuting paghahanda sa kamatayan? Buhay na malinis at marangal at matulungin sa dukha at kapos.
PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez