KUYA GERMS, ABOT-LANGIT ANG GALIT KAY MAYOR BISTEK!

AMINADO NAMAN ANG Walang Tulugan with the Master Showman host na si Kuya Germs (German Moreno) na magpa-hanggang ngayon ay abot-hanggang langit pa rin ang kanyang tampo sa mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista.

Taon na kasi ang binilang ng ibinunga ng hinanakit ni Kuya Germs sa butihing Mayor dahil sa idinulog nito at nang noon ay konsehal pang mang-aawit na si Dingdong Avanzado para matulungan silang maaprubahan na gawing City of Stars ang Quezon City.

Pero nagdaan na ang mara-ming taon. Nakapanirahan at namuhay na sa Amerika si Dingdong at ang kanyang misis na si Jessa Zaragoza at nakauwi na uli rito sa Pilipinas, kung saan ngayon eh, nasa Board na ng OPM si Dingdong, parang wala pa ring balita sa maiisip daw tuloy na natabunan na ng sari-sari pang panukalang sinubukan nilang idulog.

Natanong naman si Kuya Germs kung sinubukan na ba niya uling kausapin ang ngayon nga eh, mayor ng si Herbert.

“Ilang beses na ‘yun. Sa maraming pagkakataon. Pero para lang dumadaan sa hangin ang sinasabi ko. Eh, wala tayong magagawa kung talagang hindi bibigyan ng pansin o ayaw. Ang sa akin naman, hindi ko naman ito ginagawa para sa sarili ko kundi para sa ating lahat na nasa industriya.

“Hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi ito gustong bigyang-pansin. Maganda naman ang intensiyon ng isina-suggest naming panukala. Ilang beses na namin itong naipaliwanag. Dahil karamihan naman ng mga networks, pati na mga production outfits eh, nasa Quezon City, kaya ito ang sentro talaga ng mga manggagawa sa indutriya ng pelikula at telebisyon. Eh, wala talaga.”

Give up na si Kuya Germs?

“Mananatili ‘yang magandang intensiyon. Baka naghihintay lang ng tamang tao at panahon. Masakit lang na pakiramdam ‘yung hindi ka man lang pinapansin o pinapakinggan.”

Sige, patuloy rin nga nating tanungin si Mayor Herbert kung bakit hindi matapunan ng pansin ang isyung ito na taon na ang binilang.

Kasi, naisagawa nga ni Kuya Germs sa Eastwood ang Walk of Fame na ngayon nga, hindi mo na mabilang ang mga bituin sa sahig dahil maya’t maya itong dinadagdagan ni Kuya Germs. Maganda ang intensiyon ni Kuya Germs. But for sure, may mga dahilan din naman kung bakit hindi ito agad-agad na maisakatuparan.

BAKIT KAYA ON the war path ngayon ang mga tao?

Sa isang message naman ni John Lapus sa kanyang Facebook account, may gusto na itong resbakan sa pagsasabi niyang matutupad na raw ang kanyang New Year’s Resolution. Na sinumang magsulat ng hindi maganda about him eh, idedemanda niya!

Ask ko naman si Sweet about it.

Actually, intended na raw ito sa isang kumbaga eh, masasabi na niyang mortal niyang kaaway (uli!) sa puntong ito. Hindi pa pala kasi natatapos ang ‘war’ sa pagitan nila ng aking katotong Jobert Sucaldito.

Ayon kay Sweet, sawa na siya sa mga nakakarating sa kanya from the other camp. Hindi rin daw niya maintindihan kung bakit ayaw siyang tantanan, kaya nga ready na raw siya na magdemanda.

May nagsabi diumano na may nasulat daw si Jobert na may lalaking gustong bumasag ng bote ng Fundador sa mukha ni Sweet. At dahil sa ipinost ni Sweet sa banta niyang demanda, nagpipista naman ang kaliwa’t kanang bigayan din ng bigayan ng mga komento kahit hindi sila directly involved sa away ng dalawa.

War nga! Sa Korte na?

The Pillar
by Pilar Mateo

Previous articleNaka-video kaya? HAYDEN KHO, HUBO’T HUBAD NA IPINAGLUTO SI VICKI BELO!
Next articleCarla does the ‘BUHAGHAG’

No posts to display