Kuya Germs, imbiyernang-imbiyerna kay Shalala

ITINUTURONG CULPRIT KUNG bakit fourth runner-up lang si Maria Venus Raj sa katatapos lang na Miss Universe 2010 ang kanyang sagot sa tanong ng isa sa mga judge na si William Baldwin. The question probed into Venus’ one big mistake in her life, and how she made it right.

Ani Venus, sa loob ng kanyang 22 year-existence, wala siyang nagawang pagkakamali. Granting that she has been infallible all these years, hindi raw niya tinumbok ang tanong, hence her landing the said spot.

But Venus’ title wasn’t bad at all. Otsenta’y tres silang lahat. Consistent yearly bets mula sa mga bansang USA, Venezuela at India ay hindi man lang nakapasok sa Top 15. Kelan pa ba nu’ng huling tumatak ang Pilipinas sa kamalayan ng mga pageant followers, particularly Miss Universe, hindi ba’t noon pang 1999 noong nag-first runner-up si Miriam Quiambao?

Besides, hindi madali ang nasa sitwasyon ng sinumang kandidata sa pinakahuling yugto ng timpalak, ang Question and Answer portion, where tension runs high. Hindi rin naging pretensiyosa si Venus nu’ng aminin niyang kung anu-ano ang lumabas sa kanyang bibig ng mga sandaling ‘yon, as any candidate would probably do the same.

To us, Venus put her best foot forward, na kung tutuusin pa nga’y nagmukha nang OA if only for her obsessiveness na masungkit ang korona. Whatever some quarters say, karangalan ang iniuwi ni Venus, moreso, her moment of vindication after the Binibining Pilipinas fiasco.

SAYANG, NAUNA LANG umuwi si Shalala kay German Moreno nu’ng dumating sa kanilang radio program only to be told about its preemption due to the hostage crisis in progress noong Lunes.

Kung nagkataon, baka hinostage din ni Kuya Germs si Shalala while repeatedly hitting the latter ng makapal na coffee table book ng GMA na bitbit ng Master Showman. Lutang kasi ang pagkaimbyerna ni Kuya Germs sa ipinahatid na balita ni Tita Swarding (na ibinrodkas nga ba nito sa kanyang radio program) na diumano ay may ganitong linyang binitawan si Shalala: “Hay, naku, kung kelan tumanda si Kuya Germs, saka pa siya naglandi!”

Hindi si Kuya Germs ang mismong nakarinig ng komentong ‘yon galing sa kanyang kasangga sa kanilang DZBB afternoon program. Gusto lang tiyakin ng radio-TV host kung totoong galing ‘yon sa bibig ni Shalala. ‘Ika nga, binibigyan pa ni Kuya Germs si Shalala ng benefit of the doubt.

Pero paano kung mapatunayan nga ni Kuya Germs that Shalala indeed uttered such words, pabirong pambuyo namin sa Master Showman. “Itatanong ko lang naman sa kanya na kelan ako naglandi, nakita ba niya akong naglandi?”

Either said in jest or with a serious tone, Kuya Germs – given his iconic stature in the country nurtured through time – did not deserve such an innuendo. Word of advice to Shalala: a funny face does not necessarily possess a bad mouth.

ASIDE FROM HER pasundut-sundot na movies, all in all ay magiging apat na ang regular TV shows ni Eugene Domingo, three of which ay nasa GMA at ang isa ay nasa TV5, ang Inday Wanda.

Uge slips into a different character in her TV5 fantaserye, bukod sa mayaman ito sa Pinoy folklore which is a sure come-on to kids in school. Sa totoo lang naman, Uge epitomizes the multi-faceted artist, whose range of acting is as broad as her career horizon.

Ang kaibigang Cristy Fermin na ang nagsasabing hindi siya naniniwalang madaling manawa ang publiko kay Uge, much less fall victim sa tinatawag na overexposure. The more daw kasi na nakikita si Uge onscreen, the greater pa ang tsansa nitong magkaroon ng mas maraming proyekto.

Hindi na nakagugulat kung sa Inday Wanda, as Uge herself puts it, ay malaki ang kanyang bahagi sa creative aspect nito. Metikulosa kasi ang hitad as to each and every aspect of production work, dahil ‘pag nagawa na raw niya ang isang proyekto ay hindi na niya ‘yun uulitin, a self-imposed rule para siya mismo ay hindi manawa.

Inday Wanda (not an offshoot of Inday, Inday sa Balitaw nor Inday Bote) premieres this September on TV5.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleSa pagdi-deny ni Bea Alonzo: Gerald Anderson, balik kay Kim Chiu!
Next articleVenus Raj, pinatunayang hindi siya “thank you girl”!

No posts to display