Kuya Germs, naalarma sa hindi magandang kundisyon ni Nora Aunor

IF THE TIME table is strictly observed, five out of 20 days na lang (unless extended, of course) ang nalalabi before Nora Aunor heads back to the US. At the last hour, it’s expected that she will have wrapped up shooting a historical film plus a mini-series for TV5.

Kamakailan, pagbabalita sa amin mismo ni German Moreno, ay wala raw sa kundisyon ang boses ni Ate Guy. This slightly caused alarm on Kuya Germs who, of course, has bet high stakes on brokering the Superstar’s two-in-one work package.  “Sabi ko sa kanya, ‘Guy, kahit ganyan ang boses mo, huwag na huwag kang ‘di sisipot sa shooting.’ Awa naman ng Diyos, nakikinig naman ‘yan sa akin, kaya alam ko sa aking puso na nagbago na talaga siya,” kuwento ng Master Showman.

But the not-so-good news is that Nora’s comeback movie, even if in the can, will not be commercially exhibited until next year. Akala ba namin, entry ito sa dara-ting na Metro Manila Film Festival? Sopla ni Kuya Germs sa amin, “Anong MMFF entry? Hindi, ah! Sa 2012 pa ‘yun iso-showing, kaya nga sa pag-alis niya, kailangan kong i-sustain ang interes ng publiko kay Guy at sa movie  niya.   Imagine,  ang  projected  cost of production nu’n, eh, P100 million? One hundred million, babalik ba ang puhunan man lang ng producer kung hindi mo ‘yon isasali sa filmfest?” may pag-aalalang sabi ng TV host.

Kuya Germs raises a valid point. Sa tuwing sasapit lang naman ang taunang MMFF kung kailan sinumang producer —whether big or small, or in between — stands to gain box-office rewards dahil maraming pera ang tao sa ganu’ng panahon. Besides, given the nature and scope of Nora’s movie, it has the ma-kings of an ideal festival entry reminiscent of the 70s-80s when quality movies reigned supreme, and Nora herself would star in those.

Pero mukha namang hindi kita (profit) ang habol ng producer nito, kundi prestige. At kadalasan, kung ito ang principal concern ng producer, spending all his money on a worthwhile project without necessarily getting anything in return is a motto in itself.

EWAN HOW PAO Chief Persida Rueda-Acosta is able to juggle her time, much less leave her office and go to far North in fulfilment of her role as one of Face To Face’s Trio Tagapayo. Nga-yong Miyerkules, the charismatic lady lawyer tries to resolve a domestic dispute in the episode titled ‘Si Kuya Na-trip Ang Hipag Na Katoma, Nang Malasing Si Hipag Ay Hinipuan Na Niya’, involving couples in Vigan, Ilocos Sur.

Bukas, Huwebes, kakaibang kataksilan ang mapapanood sa ‘Babaeng Garapal Sa Kinakasama, Nanalisi Na Nga, Naghanap Pa Ng Iba?’ At kung hindi si PAO Chief ang isa sa mga tagapayo, who else can pinchhit for her kundi ang butihin niyang kabiyak na si Atty. Ben Acosta?

KINABOG NG TINAGURIANG Ultimate Talentados na sina Joshua “Yoyo Tricker” Davis at Joseph “The Artist” Valerio ang mga kapwa nila contestant from almost 50 countries including the USA when they brought home gold medals from the World Championship of the Performing Arts (WCOPA) held at Westin Bonaventure   in  Los  Angeles, California.

Known for being the biggest talent search in the country, patuloy na iniikot ng Talentadong Pinoy (hosted by Ryan Agoncillo) ang Asia as it launches its second international auditions in Singapore this August 21. Richard Gomez and Tuesday Vargas join Ryan as they compose a special panel of talent scouts on the lookout for artists with exceptional talents.

Ang naturang auditions sa bi-nansagang Lion City will be held at the Union Square, Level 5 Amara Hotel from 4-10 p.m.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous article1. Hahaha, nakakaloka. hindi ko na mareach ang high notes, davah. Regine Velasquez does the ‘diva naloka’!
Next articleJohn Rendez, sumunod na rin kay Nora Aunor

No posts to display