kBACKSTAGE AT THE Startalk studio last Saturday, ipinabasa sa akin ni Ricky Lo ang katatanggap pa lang na text message. Briefly, the anonymous texter (na ewan kung paanong nalaman ang mobile phone number ni Tito Ricky) and his group threatened German Moreno kung itutuloy nito ang pagsama kay Jacky Woo sa kanyang Walk of Fame sa Eastwood.
Nitong dumalaw si Kuya Germs sa taping ng Tweetbiz nitong Lunes, siya na mismo ang nagkuwento sa tila text message na nakarating na rin sa kanyang kaalaman. Aniya, ano raw ba naman ang masama kung parangalan din niya ang Japanese actor na nagtatrabaho sa bansa? Kung tutuusin, sa tuwing may proyekto raw si Jacky rito ay hindi nito nakakaligtaang kunin ang serbisyo ng mga lokal na artista?
Siguro, kung sa malasakit ni Jacky para sa mga manggagawa ng showbiz ang pagbabatayan ay kapuri-puri ito. Common sense: alangan namang mga kapwa niya kalahi ang bumuo ng proyekto working in a foreign nation like the Philippines?
But to see Jacky’s name imprinted on Kuya Germs’ Walk of Fame, when there are a lot more deserving than him, teka muna naman. Para namang paglihis na ‘yan sa tunay na batayan para mapabilang sa bantayog na ‘yon? Hindi ba dapat na body of work ng isang alagad ng sining ang gawing barometro ng pagpili?
Baka sa susunod, hindi na ipagmalaki ng recipient ang Walk of Fame na ‘yan.
PREEMPTED SA DARATING na Linggo (December 5) ang P.O.5 as its time slot will be eaten up by Star Factor as it culminates in the much-awaited grand finals ng natitirang apat na artista wannabes.
Live at the Ynares Sports Arena in Pasig City, magkakaalaman na kuno kung sino kina Christian Samson ng Bulacan, Eula Caballero ng Cebu, Morissette Amor ng Cebu at Ritz Alzul ng Pampanga ang tatanghaling kauna-unahang homegrown talent ng TV5.
Kanya-kanyang pagpapakitang-gilas sa talent ang Final 4 as they battle it out in the ultimate test of charm, personality, looks ang overall potential for the much-coveted Brightest Star plum.
Pero siyempre, the Final 4 have to earn the nod of approval of the Star Makers na binubuo nina Audie Gemora, Joey Reyes, Raymund Isaac, Ryan Cayabyab at Annabelle Rama.
The Star Factor grand finals is even made more star-studded dahil bukod sa host nitong si Ruffa Gutierrez, she will be flanked by co-hosts John Estrada, Amy Perez, Richard Gomez and Lucy Torres.
May mga special performances din sina Mocha Unson, Wendy Valdez, Princess Ryan, Milagring, Luningning, Mariposa, Edgar Allan Guzman, Rainer Castillo, Rodjun Cruz, Chris Cayzer, Gerald Santos, Tom Rodriguez, Jose Manalo, Wally Bayola, Gloc 9, Bituin Escalante, Frenchie Dy, Jay Durias, Pops Fernandez, Ariel Rivera at marami pang iba.
Bagama’t admission is free sa grand finals, may hanggang December 3, 12 noon-5 p.m. pa maaaring mag-avail ng ipinamamahaging tickets. Kita-kits!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III