Kuya Germs: Walang Kupas, Walang Tulugan (PART 1)

[imagebrowser id=218]

WHOAH! SI German Moreno ay dating naging sidewalk vendor, waiter at janitor sa Cloverleaf Theater. Sa pagsusumikap niya na walang hinihinging kapalit na bayad kundi ang maisama lamang sa mga pelikula ni Mrs. Vera Perez, ngayon ay isa na siyang matagumpay na TV host, kilalang actor at comedian sa likod ng tabing sa pelikula at telebisyon. Isa ring magaling na talent manager, hinahasa niya ang mga baguhan at dumaan sa kanya maging ang mga kinikilalang mga artista. Marami na ngang talents ang natulungan niya simula pa ng That’s Entertainment at GMA Supershow. Patuloy na ginigising at pinasasaya ang mga taong nagpupuyat sa kanyang programang Walang Tulugan With The Master Showman.

Kuya Germs, paano kayo nagsimula noon sa pag-aartista? “Ah it’s a long story.”

Aniya, nang ipinatawag siya ni Mrs. Perez ng Sampaguita Pictures, pinaghubad siya para tingnan ang kanyang mga muscle-muscle, hehe. Samantalang payat na payat siya noon. Dugtong niya, nataong iyon ang hinahanap upang gumanap na Jesus Christ sa Semana Santa. Simula noon, naging tao na siya ng entablado.

“And after that, parang naging extra din ako at sumasali sa mga comedy-skit. And then, meron akong nakilala, ‘yung writer na si Pablo Gomez na sumusulat ng mga istorya na isasapelikula naman sa Sampaguita. Pero ang una ko talagang eksperyensya sa Sampaguita ay noong ipinatawag ako ni Mrs. Perez para mag-host ng kanilang promo ng isang pelikula at meron silang pa-contest kung sinong magiging King and Queen.

“So, nu’ng ginam-panan ko ‘yun, hanggang sinabi sa akin ni Mrs. Perez kung magkano ang ibabayad n’ya sa akin. Sabi ko, wala. Ang sabi niya, ‘bakit wala’? Ah, baka daw meron na lang akong ire-request, ano na lang ‘yon. Ang sabi ko, baka p’wede akong makalabas paminsan-minsan sa mga pelikula ng Sampaguita. So ‘yun ang naging puhunan ko. Sinabi ko sa direktor na ‘pag may role na babagay sa akin ay kunin ako, ‘yun lang.”

Ayun, mga pards! Dahil sa tiyaga at pagnanasa upang maabot ang kanyang nais mara-ting, kahit walang bayad ay nagtrabaho siya kay Mrs. Perez hanggang sa mabigyan siya ng break. Ah, talagang malakas ang loob n’yo?

Konting tsismis ang gawin natin, hehe. ‘Di ba Kuya Germs, nagkahiwalay na kayo ni Nora Aunor, pumunta siya ng Amerika, kumusta na ang kontak ninyo ngayon? “Ah, okay naman kami. Siya naman ay nasa ibang bakuran. So, hindi naman ibig sabihin na hindi na kami nagkakaroon ng communication. Meron pa naman.”

Ah, kailan lang pumunta siya ng Italy. “Oo, recently lang pumunta siya roon dahil sa pelikula niyang “Thy Womb” at binigyan siya ng award at isang malaking karangalan nga iyon sa kanya bilang isang aktres.”

Ano ang masasabi mo sa buhay-showbiz natin ngayon? “’Yan ang buhay ng artista; up and down, kung minsan nagkakaroon ka pa rin ng mga intriga na hindi nawawala sa buhay natin dito sa showbiz na katulad din ng buhay ng pulitika ngayon, marami ring intriga.”

Minsan ‘di maiiwasan na may nang-iintriga rin sa ‘yo? “Ah, kakabit ‘yan ng showbiz, eh.”

Pero nasasaktan ka pa rin ba? “Oo naman, meron ka rin namang damdamin, ‘no? Maaari ka bang ‘di masaktan. Pero kung paapekto ka naman, ikaw rin ang maapektuhan.

ANO NGA BA ANG KONSEPTO NG WALANG TULUGAN?

Bakit Kuya Germs tinawag na Walang Tulugan ‘yung show mo? At paano ba ang konsepto mo noon? “Ah, ang una n’yan ay maaga-aga. Ang unang pamagat ay Master Showman. So, nu’ng lumampas ako ng hatinggabi, doon na ako nagsimulang sumigaw ng Walang Tulugan. So nawili na ang tao na sumigaw ng Walang Tulugan.”

Abangan natin ang part two ng kuwento ng isang matagumpay na tao sa likod ng tabing at telebisyon.

Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia. For comments and suggestions: email. [email protected]; cp. 09301457621; tel. (02)382-9838

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: [email protected] and/ or [email protected].

ni Maestro Orobia.

Previous articleCristine Reyes does the ‘Naka-apak’
Next articleParazzi Tawanan

No posts to display