“HAY, NAKU!” SABAY buntong-hininga na lang ang naisagot ni Ms. Lorelie Dionisio-Piravalasamy, punong-abala ng ABS-CBN CorpComm, nu’ng sinabayan ng GMA 7 ang pa-thanksgiving ni Angel Locsin. May event din kasi sa Siyete, scheduled a later time nitong Martes, gayong short notice lang ang ibinigay nito sa press.
ABS-CBN’s text invitation was four days ahead, parang sinadya tuloy ng kalaban nitong network ang agarin ang kung tutuusi’y hindi pa naman tapos na teleserye, makapag-ingay lang. But there was more to creating noise, duda ko, it was a ploy to hit back at Angel na dating Kapuso, na ngayo’y Kapamilya na.
Sana, mali lang ang aking sapantaha na hindi coincidence lang ang pagpapatawa ng presscon ng GMA in an attempt to downplay ‘yung tila mas gumanda at tumuwid na career path ni Angel. Mula nang mangyari ang kontrobersiyal niyang paglipat, una niyang naging proyekto sa Dos ang Lobo (sa wikang Ingles, it can either mean balloon or wolf). True enough naging mabangis ang paglobo ng seryeng ito, dahilan para tanghalin itong isa sa 23 winners ng 30th Banff World Television Awards sa Canada, kamakailan.
‘Ika nga, Angel’s Lobo was literally ferocious that it ballooned to burst less than 700 entries mula sa 29 na bansa.
So, wala pala talagang dapat pagsisihan si Angel sa kanyang paglipat sa Dos nu’ng 2007.
NAGKALAT PA RIN pala ang mga smut o malalaswang babasahin sa ating paligid – mga larawan ng nakabuyangyang na ari ng lalaki at babae ang namumutiktik sa bawat pahina ng diyaryo. Ang mas matindi, maging ang aktuwal na pagniniig at nakabilad din, obviously lifted from the pages of porn magazines, sa presyong higit pa sa karaniwang tabloid of national circulation.
Mapalalampas ko na sana ang pahayagang ‘yon. Hindi rin naman kasi natin masisisi ang iba nating barakong kababayan, baka ‘yon na rin ang ginagamit nilang pamahid. Naloka lang ako, walang editorial box! So sino pala ang puwedeng habulin ng kung anumang ahensiyang maatasan para sawatahin ang paglipana ng ganitong uri ng mga babasahin?
Sige, puwede ko na ring palampasin ‘yon. Matagal na rin naman kasing uso ang fly-by-night publications na walang pagkakakilanlan, address man o mga staff na bumubuo nito.
Pero ang ikinaloka ko nang bonggang-bongga ay ang kolum du’n ni – hold your breast, este, breath – dating Manila City Councilor Kim Atienza! Yes si Kuya Kim (hindi Kimbo, huh!) na karespe-respeto sa larangan ng TV broadcasting, lalo’t tungkol sa mga hayop (hindi kahayupan, huh!).
Naku, Kuya Kim, paano na ang napapabalitang muling pagtakbo ng erpat mong si Lito sa pagka-mayor ng Maynila? Sa kolum mo ring ‘yan kaya mo siya isusulat? Naku, baka masilat dahil sa bilat!
by Ronnie Carasco