MATAGAL-TAGAL DING nagpahinga si Kyla mula nang makapanganak siya. Kaya natutuwa raw siya now that she’s back to work. Last Sunday, isang warm welcome nga ang ibinigay sa kanya sa Sunday All Stars (SAS).
“Very excited ako na… yes, finally I’m going back to work!” aniya. “Ang tagal kong hinintay ito. Para akong mantika na nabuhusan ng mainit na tubig at nagigising ulit. So, sobrang happy ako. Kasi nasanay na ako na nasa bahay at nag-aalaga ng baby. Oo, siyempre. Tapos parang na-miss ko ‘yong nag-aaral ako ng mga song. Na-miss ko ‘yong nagda-download ng mga kanta.
“Member ako ng Instagang,” pagtukoy niya sa grupo na unang pinamunuan ni Christian Bautista bago ang kasalukuyang team leader nito na si Glaiza de Castro. “Ni-request ko na sa Instagang ako maging miyembro. Kasi nalaman ko na hindi pa sila nananalo kaya kailangan nila ako. Wow!”
At nanalo naman nga ang grupo nila sa kauna-unahang pagkakataon simula nang umere ang SAS.
“Oo nga. Ang saya-saya! Pero na-pressure ako nang slight. Kasi hindi ko nasubaybayan ‘yong winners every week. So hindi ko alam na hindi pa pala sila nananalo. So, no’ng pagdating ko kahapon (Saturday, July 20, sa rehearsal nila), sabi ng group members sa akin… hindi pa kami nananalo, ha! Parang na-pressure ako! Ha-ha-ha! Pero, masaya. Masaya. Sa meeting namin, wala pa akong mai-suggest masyado. Kasi naninibago pa talaga ako. Pero prepared na ako na mangarag at ma-stress. Kaso lahat naman sila very ano, eh… determined to win.
“Intense nga ang labanan, ‘di ba? Ramdam na ramdam sa studio. Nakaka-lurks! Pero ‘yon, ready naman ako to practice at maki-join sa kanila.”
Bukod sa SAS, balik-recording din daw siya.
“Magri-record ako ulit. Kasi naudlot ‘yong pagri-record ko dahil kasi, ‘di ba… buntis ako? Itutuloy ko ulit ang recording para sa bago kong album under Poly East Records.”
Priority pa rin daw ni Kyla ang kanyang pagiging Mommy sa baby nila ni Rich Alvarez?
“Well, kasi first week ko pa lang ito na nagwu-work ako, nahihirapan akong mag-adjust. Pero kapag nasa work ako, si Rich ‘yong nag-aalaga, gano’n. Since Sunday, wala naman siyang work. But kapag may practice o meron siyang basketball game, kapag may work din ako, sa in-laws ‘yong baby or sa parents ko. Of course. Priority talaga namin ngayon ‘yong baby namin. Kasi kumbaga, very fragile pa siya. Mahirap pa siyang iwanan. Parang nagi-guilty ako na iniiwan ko siya. Kasi nagbi-breast feed ako. Gano’n. So, minsan parang nakaka-guilty na… magbu-bote siya ngayon.
“Two months pa lang siya. Pero nakakatuwa kasi nagma-mumble na siya. Nagta-try na siyang magsalita. Nakikipagdaldalan na. Iyon ang nakakatuwa. Tapos, ngumingiti na siya. ‘Yong gano’n. Tuwang-tuwa ako. Kasi ngumingiti, walang ngipin. Ang saya!” natawa pang kuwento ni Kyla.
Ano ang nararanasan niyang pinakamahirap sa pagiging mommy?
“Siguro ‘yong ano… sleep deprived talaga. Kasi like… ‘yong tulog niya, on and off. Although sinasabi nila na sabayan mong matulog. Pero you can’t really say that. Kasi like in the morning or during the day, parang you’re using that time to do whatever you have to do. Tapos sa gabi naman, do’n naman ‘yong gising siya nang gising. Na talagang every thirty minutes, nagugutom siya. ‘Yong gano’n.
“And then ang mahirap, ‘yong first three weeks. Kasi talaga… walang tulog. Pero alam mo… masaya. Masaya na nandiyan na siya. May inaalagaan ka.”
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan