FIRST TIME NA nag-concert sa bansa ang Australian pop sensation na si Kylie Minogue kaya bumuhos ang suporta ng mga fans sa kanyang “The Aphrodite –Les Folies” concert sa Araneta Coliseum nitong
July 5. Humingi ng paumanhin ang singer sa libu-libo niyang tagahanga kung bakit natagalan bago siya nakapagtanghal sa bansa. Bukod kasi sa kanyang musika, gusto ni Kylie na maging inspirasyon sa kanyang paglaban sa kanser. Ilan sa hit songs ni Minogue ay ang “Locomotion”, “I Should Be So Lucky” at “Can’t Get You Out of My Head”. By request, pinagbigyan ni Kylie ang Pinoy fans with renditions
of “Especially For You” and “Locomotion.” Ni-research daw niya ito bago nagpunta rito. Aba, kay galing talaga ng lola n’yo, ‘di ba? Maliban d’yan, star-studded rin ang concert sa pag may-I-sugod ng Pinoy celebrities sa Big Dome. Gaano kaya ka-STAR ang mga dumating? Itanong natin kay Kylie… ha-ha, chos!
Photos by Mark Atienza
By MK Caguingin
Premiere Shots
Pinoy Parazzi News Service