ISA SA mga Kapuso talent si Kylie Padilla na dismayado raw sa pagkawala ng project. Hindi naitago ng dalaga ni Robin Padilla ang pagkainip at kalungkutan sa apat na buwang walang project sa GMA-7.
Ang nag-iisang show ni Kylie ay Sunday All Stars. Sabi ng dalaga ni Robin, kaya raw siya nasa ‘Pinas ay para umarte pero ‘di nga natutupad dahil wala pa rin siyang kasunod na ginagawang show.
Pero paglilinaw niya na hindi siya galit sa GMA-7, hiling lang niya bigyan siya ng project para mahasa pa ang kanyang acting ability. Hindi naman daw siya mapili ng role, kahit supporting ay okey lang basta may project na magbibigay pa sa kanya ng experience na mahasa ang acting.
Nababagot na raw siya sa pare-parehong role na ibinibigay sa kanya na laging api. Gusto naman daw niya ng mga challenging role na maglalabas ng kanyang abilidad sa pag-arte.
May nagparating naman kay Kylie na baka hinahanapan siya ng right project na babagay sa kanya dahil siya ang susunod ng big star na dapat alagaan ng GMA-7.
Sa puntong ito, nasabi na lang ni Kylie, mahirap daw ang buhay ng isang artista.
Anyway, wala naman sinabing masama si Kylie sa GMA-7. Ang punto lang niya ay mabigyan ng sunod-sunod na project at mabigyan ng kakaibang role.
“Gusto ko nga po gumawa uli ng action dahil ‘yun naman ang una kong trabaho sa GMA. Nakasama ako sa project ng papa ko (Robin Padilla) sa Joaquin Burdado noon.”
MAIPAGMAMALAKI NI Direk Maryo J. delos Reyes ang film entry niyang Bamboo Flowers sa Sining Pambansang National Film Festival All Masters Edition dahil ayon mismo kay Direk, nasagot ng pelikula niya ang katanungan ng kids, teeners at adult like, kung ano ang magiging kinabukasan nila at tinalakay rin sa movie ang nangyayari sa buhay ng pamilya atbp.
Dahil kulang sa budget ay kinailangan pang mangutang ni Direk Maryo J para matapos ang isa sa masasabi niyang obra maestrong pelikula na lahat ng naging cast ay pumayag na walang bayad kundi honorarium lang.
Super pasalamat si Direk kina Mylene Dizon, Irma Adlawan, Max Collins, Diva Montelaba, Ruru Madrid, child actors na sina Miggs Cuaderno, Barbara Miguel, Nafa Hilario Cruz, Ashley Strom, Yogo Singh, atbp.
Ask ko si Direk Maryo J, bakit ‘di mga sikat at big star ang kinuha niya sa movie na trailer pa lang ay maiiyak ka na?
“I don’t want to be slave sa mga schedule nila,” katuwiran ni Direk.
Ang Bamboo Flowers ay isa sa eleven films magiging entry sa naturang festival na magsisimula sa Sept. 11-17 na mapapanood sa lahat ng SM Cinemas.
Kaya lang tulad ng mga festival na nakagawian na natin sa bansa na pagkatapos ng playdate sa mga sinehan ng lahat ng entry ay may awards night na dapat mangyari, ‘di ba?
Sa nasabing festival, walang awards night na magaganap para malaman kung sino ang dapat tanghaling best picture, best actor at actress, director, atbp categories.
Sabi ni Direk Maryo J, only exhibition lang daw at walang competition ang napagkasunduan daw ng mga namahala ng festival.
Sayang,dahil malaking tulong sa tatanghaling best picture ang magiging resulta sa takilya. Magiging curious ang tao bakit tinanghal na pinakamagandang pelikula atbp categories ang isang entry film.
Anyway, magkakaroon ng premiere night ang Bamboo Flowers sa Sept. 8 sa SM Megamall at dahil alaga rin ni Direk ang Maskulado ay nakiusap na pakisulat na rin ang launching ng MTV video ng Masculados sa August 28, Off The Grill Restaurant, Timog Quezon City na binubuo nina Enrico Mofar, Robin Robel, Lexter Lazaro, Orlando Sol, Ozu Ong at Nico Cordova.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo