Kylie Padilla, sanay nang humimas ng ibon!

DAHIL ISANG babaeng bird ang role ni Kylie Padilla sa Adarna ay hindi naiwasan na tanungin siya kung sanay na siyang humimas ng ibon?

Bago nakasagot, biglang nagbago ang anyo ng actress na parang natatawa sa tanong dahil nangamba na maaaring double meaning ang pagkakatanong sa kanya.

Sa trailer kasi ng telefantasya na magsisimula na ngayong Monday, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA 7, may hinihimas na bird si Kylie habang kinakantahan niya ito dahil mahina at mamamatay na.

Tiningnan muna ni Kylie ang nagtanong na hindi rin nakaiwas na matawa kaya natawa na rin ito. Pero kaagad ding sinagot na nasanay na siya magmula nang magsimula sila ng taping ng Adarna.

Sunod na tanong ay kung gusto niyang malaking bird or maliit lang? Muling natawa ang dalaga ni Robin Padilla at sinabi na iba na raw ang patutunguhan ng tanong.

Ayon kay Kylie, dream come true raw ang pagkakapili sa kanya role na Adarna dahil first primetime series niya ito sa GMA-7.

“Nakakanerbiyos po kasi ang laking project itong ipinagkatiwala nila sa akin. Big po ang budget namin at ako naman mahirap sa akin ang role ng taong ibon dahil kailangan ko po paulit-ulit lumipad using a harness. But I don’t mind kasi kailangan ito sa role ko.”

Maganda pa sa telefantasya ni Kylie, pumayag ang ama niyang si Robin Padilla na makasama sa serye, bilang ama ni Adarna.

Ikinagulat at nataranta si Kylie nang biglang dumating din sa launching ng kanyang Adarna ang ama.

Nagbiro si Robin sa press na mag-a-apply siyang tatay ni Kylie kaya dumating sa launching ng anak. Pero ang totoo ay tatanungin niya ang mga executive ng production kung kailan siya magsisimulang magtaping as the father of Ada (Kylie).

Tinanong tuloy si Robin ng ilan press na naiwan sa launching kung tuluyan na ba niyang lilisanin ang ABS-CBN at lilipat na sa GMA-7?

“Humingi muna tayo ng permisyo sa ABS na pinayagan naman,” say ni Robin pero walang klarong sinagot kung llisanin na niya ang Dos?

Kylie-Padilla

PANGUNGUNAHAN NI Miss World 2013 Megan Young ang isang charity event sa US next week para sa victim ng Typhoon Yolanda. Si Megan mismo ang pupunta sa Pilipinas para personal niyang ibibigay ang malilikom na funds sa tulong ng Miss World Organization.

Sa Nov. 19 makakasama ni Megan ang Philippine consul general in New York, USA na si Mario Lopez de Leon, Jr. sa isang charity dinner kasama ang ilang members ng Filipino community in New York State.

Sa Nov. 20 naman, Megan will grace the Doubletree Hilton 1 in New York Jersey.

Nov. 21, Megan will fly to Los Angeles para sa isang fundraising  dinner at the Beverly Hills Country Club hosted by the Philippine consul general in Los Angeles, Maria Helen Barber-dela Vega.

Ang magiging highlight ng naturang event ay ang auction ng mga gown na sinuot ni Megan nang sumali sa Miss World in Bali, Indonesia. Kasama rito ang National Dress Costume, Homecoming gown at ang outfit na sinuot noong koronahan siyang Miss World 2013.

Pagkatapos ay lilipad na siyang pa-Manila para sa kanyang second homecoming on Nov. 27. Siya mismo ang magdadala ng mga cash na donation na kanyang na-raise.

Sasamahan si Megan ng delegation mula sa Miss World Organization sa pagbisita niya sa Tacloban City sa Nov. 28 at sa Coron, Palawan sa Nov. 29.

Na-depress din kasi si Megan nang mabalitaan at makita niya sa TV ang mga kababayan niyang sinalanta ng bagyong Yolanda.

Ang kanyang inang si Victoria Young ay taga-Antique na isa sa mga probinsiya na tinamaan ng bagyo.

Sa pamamagitan ng Twitter account ni Megan, laging niyang mensahe na magdasal at huwag mawalan ng pag-asa ang kanyang mga kababayan dahil hindi natutulog ang Diyos.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Previous articleNalamang ligtas na ang mga kamag-anak sa Tacloban
Jennylyn Mercado, ‘di alam kung paano aayuda?!
Next articleSylvia Sanchez, ngarag sa taping schedule at biglaang operasyon ng anak

No posts to display